February 2013

Monday, February 25

Tignan mo sila..


Tignan mo sila..

Ang saya saya, nagtatawanan, magkaholding hands, magkayakap at sobrang sweet.. eh TAYO? andito.. nag aaway, di magkaintindihan, magkagalit, minsan hindi pa nagpapansinan..

pero alam mo, kahit minsan lang tayo nagiging masaya ng magkasama at madalas hindi nagkakaintindihan.. masasabi kong..

AKO pa rin ang pinakamaswerteng tao sa mundo, dahil nakilala kita, nakakasama kita, naging parte ka ng buhay ko kahit palaging di maganda ang nangyayari sa ating dalawa..

masuwerte at masaya ako dahil.. andito ka pa rin, nanatili, minamahal ako, binibigyan ng mahabang pasensya, hindi ako iniiwan at kasama kong lumalaban sa mga problemang hamon ng panahon ♥

Kaya.. Sana kahit anong mangyari.. hindi ka bumitaw.. alam kong KAYA NATIN ITO. Mahal kita ♥

Tulad ng ibang babae..


Tulad ng ibang babae..

SELOSA ka din gaya nila, yung konting kibot niya lang sa ibang babae, iinit na agad ang dugo mo.

Oo, kaibigan niya sila.. at pati IKAW.. iba lang ang level mo..

Pero kahit ganon, dapat mo pa ring tandaan na nagseselos din siya gaya mo. Kaya, sana kahit anong mangyari wag mong kalimutang "Magkaibigan" lang din kayo, kaya wag sagaran ang init ng dugo mo dahil parehas lang kayo nagseselos at gumagawa ng ikaseselos ng bawat isa.

Tuesday, February 19

Alam mo yung sobrang gaan sa pakiramdam..


Alam mo yung sobrang gaan sa pakiramdam..

..na may taong minamahal ka ng lubos, kahit na malayo kayo sa isa't isa at kahit kailan di pa nagkikita sa personal..
at yung umabot na kayo ng mahigit sa isang taon sa isang relasyon, nagkaroon ng marami happy moments kahit sa magkaharap lang sa webcam at magkausap sa phone, nalagpasan ang lahat ng pagsubok sa loob ng mahigit taon, naging komportable sa isa't isa at malaki ang tiwala niya na kayo na talaga hanggang sa huli..

Ang sarap kaya sa pakiramdam na may taong magsasabing..

"Hindi kita pakakawalan, ayaw kitang mawala sa buhay ko" ♥

Promises doesn't mean "you MUST fulfill something" or "meant to be broken" .. but it means that you just have to PROVE that your words are true :)

Mahirap talaga pangunahan ang hinaharap..


Mahirap talaga pangunahan ang hinaharap..

yung sabi niya.. "Tayo na forever" pero nagbreak kami.
yung sabi niya.. "ikaw ang pakakasalan ko" pero pinagpalit niya ko
yung sabi niya.. "kahit anong mangyari hindi kita iiwan" pero iniwan ako
yung sabi niya.. "PROMISE. ikaw lang" pero niloko ako
yung sabi niya.. "hindi ako mapapagod sayo" pero ayun, nagsawa

Nakakatawa man kung iisipin mo na.. may mga ganitong salita na akala natin talagang mangyayari, pero ang totoo.. BARBER's TALK pala. Pero..

hindi lahat ng tao.. nabibigo
hindi lahat ng relasyon.. nagawawakas
hindi lahat ng pangako.. napapako
hindi lahat ng mga salitang ito.. ay baber's talk

Kaya nga sabi ko, mahirap iPredict ang future. Pero kung may tiwala kayo sa isa't isa na magagawa nyo.. TULOY NIYO LANG, may mga sagabal man, basta tandaan mo.. GOD IS ALWAYS WITH YOU♥ kahit ano ang mangyari, lahat magagawa niyo basta magtiwala ka lang sa sarili mo, sa kanya, sa relasyon nyo at kay GOD. :)

But if youre not really meant for each other.. it's God's plan & he has has a reason why. :)

Promises doesn't mean to "you MUST fulfill or "meant to be broken" .. but it means that you have to PROVE that your words are true :)