LDR (;

Showing posts with label LDR (;. Show all posts
Showing posts with label LDR (;. Show all posts

Sunday, March 24

Tunay at totoo.


One day, nakilala kita.. sabi mo, "hi" sagot ko, "hello"

naging magkaibigan tayo, naging close friends, naging crush mo ko, naging crush dn kita, na in love ako, umamin ako at umamin ka din, niligawan mo ko, at naging tayo..

kung iisipin mo, simple lang ang love story natin pero ang hindi alam ng nakakarami..

na nasa komplikado tayong sitwasyon, pero kahit ganun, daig pa dn natin ang iba.. MAS sweet, MAS matatag, MAS mahirap pero MAS masaya..

Tayo at ang iba pa ay hindi gustong malagay sa ganitong sitwasyon, pero kung malalaman lang nila na kahit gaano ka man kalayo sa akin, mas higit pa dun ang pagmamahal ko ♥

tunay at totoo.

Monday, January 28

......


Sorry hindi ko na kaya, alam kong mali ako, alam kong kasalanan ko. I blame myself for everything. Masakit para sa akin at alam kong masakit din para sayo. Pero sana maintindihan mo din.

TIME. isa sa mga pinakaimportanteng bagay na hindi mawawala sa pang araw araw ng mga tao. para sa mga taga-western, LINEAR ang tingin nila dito, para sa ating mga pinoy, CIRCULAR kaya nga tayo may tinatawag na "Filipino Time" na ang totoo, present oriented ang ibig sabihin at hindi late. Palaging may "BUKAS NA LANG" habit. Sa lahat ng bagay, ito ang pinaka importante para sa akin, lalo na sa nagmamahal na gaya ko *o.a lang noh?*

Noon, sa mga past relationships ko, isa sa mga bagay ang di ko napahalagahan ang ORAS. Hindi kasi ako yng tipo ng tao na nagsspend ng time para sa isang tao. Hindi pa rin naman ako ganung ka mature para maintndhan yun. Kaya nahahantong ang lahat sa break up. Kasi daw, wala daw akong time para sa kanya. I learned a lot through my mistakes, namomotivate ko yung sarili ko.. so i promised myself, that whenever i fall in love again, ill make sure to give time for my partner. And nagawa ko nga, i never lose time for him.

On the other side of the story, Time is a drug. Too much of it kills you. And that's what i dont really expect. For me, ginagawa ko lang naman kung anu din yung mga nais mo at kung ano yung mga sinabi mo sa akin, hindi ko makakalimutan yung mga bagay na sinabi mo tungkol sa mga yun, kung magbibitaw man sana ng salita, sana sinabi na lang sakin na hanggang salita lang yung mga yun.

Let me tell some of what im talking about.

Sabi ko sayo dati, kailangan mo din ng "ME TIME" yun bang oras para sa sarili mo, hindi puro "US TIME" kasi alam ko din naman na nais mo din ng oras para sa sarili mo. Hindi ko masyadong maalala yung exact words pero ang sabi mo sa akin, mas gusto mo ang "US TIME" at yung "ME TIME" mo ay para sa ating dalawa, at yung "ME TIME" ko ay para sa akin lang. It's unfair right? then sabi ko sayo, Hindi, dapat yung "ME TIME" mo sayo lang, pero kumontra ka pa rin. Im just asking for some, hindi ako humingi ng sobra. Binigay mo sakin yun. I spend my whole time for you din naman, im thankful that you still give me chance to spend on my own. you're giving din naman yung buong time mo sa akin. You even change your body clock para sakin, do you think i want you to do that every time you had your free time? NO. concern din naman ako sayo, at ayokong nagppuyat ka at nagpapalit ng body clock para sakin. but i appreciated everything you've done. I also want to give your time on your own. di ko alam kung bakit at anu ba nagawa ko na parang pinaramdam mo sa akin na hindi ko nabigay sayo yun. 

SPACE. sa lahat ng bagay kailangan yan, para sa tao, bagay, hayop, words, sentences, at kahit ma-paragraph pa.

Kahit sino namang tao, kailangan ng space para makahinga, makagalaw ng maayos, at para maiwasan ang masakal. Sa tingin ko lang, may iba't ibang klase ng perspective kung paano maipapaliwanag ng isang tao ang SPACE para sa kanya. Kung ako ang tatanungin mo, yung SPACE yun yung isang lugar kung saan walang laman na pwede mong hayaang ganun o punuin ito dipende sa gusto mo.

Magulo pala ko magpaliwanag.

Malalaman mo namang sakal ka na kung di mo na kaya yung mga nangyayari sa paligid mo o kaya sawa ka na o kaya hindi mo na ma-take. wala naman akong masasabi tungkol dito, you have your own space, i have my own. Kaso sa tingin ko, sa mga sinabi mo sa akin, naging demanding ako, kaya siguro "nasakal kita". Ok sabihin nating hindi kita nasakal pero, parang pinagdamot ko sayo yung space mo. I always give you time to do your own thing, homeworks, projects, family time, friends or whatever.

Naintindhan ko din naman kung minsan, hindi mo na ko mamessage or matext or matawagan for some reasons. Siguro kaya ako nagtatampo dahil na din nasanay ako na dapat ganito, dapat ganyan.

Pag sinasabi ko sayo na, "sige gawin mo muna po yung hw mo, baka nakakaistorbo ako" hindi mo nagugustuhan, instead nagiging negative yung thought ko na.. ayaw kita kausapin or what. Gusto ko lang naman din na makapag focus ka sa ginagawa mo.

Sige, aaminin ko, sumosobra ako, nagiging madamot at masama. Wala na naman akong masasabi pa kung hindi, ako nga may kasalanan.




Marami pa kong nais sabihin, kaso ayokong magsiwalat ng husto at baka hindi mo magustuhan. kung hindi ko maintindihan yung side mo, sana pinaintindi mo sa akin. Alam kong iniisip mo na hindi agad kita maintindihan at maiiba ang interpret ko pag sinabi mo sakin pero MASAKIT eh. Yung tinago mo sa akin yung sama ng loob mo. Mas masakit pa yung hindi mo dinidiretso sakin. Nangako kang sasabihin mo sakin lahat, pero iniisip mo yung iisipin ko. Wala akong pakialam kung maliit or walang kwenta man yun.

Alam kong ayaw mo ng drama, ayaw mo kong umiiyak at alam nating dun hahantung yun. Aangkinin ko na yung pagkakamali ko, nawawalan din ako ng pride at wala akong pakialam kung may maihaharap pa ko o wala. Mahaba na rin ang pasensya ko sa sarili ko at sayo, at hindi ako nagsasawa dun. Basta ang akin lang, kahit gaano pa ko maging tanga at maging o.a sa harap nila, basta ang alam ko sa sarili ko, MAHAL KITA at hindi magbabago yun.

Sana next time, sasabihin mo na sa akin. Huwag ka mag alala, iintindihin ko at pagbibigyan kita. wala ng demand, wala ng paulit ulit, wala ng immature, iiwasan kong umiyak, iiwasan ko ang drama, iiwasan ko din ang magtanong, wag ka mag alala tatahimik na lang din ako para hindi ka na marindihan.. basta hahayaan kita, i will give your ME TIME, di na kita pipilitin. titiisin ko. wag ka lang mawala sa akin, masasanay din ako.

Sorry if im not the one you think i am. Sorry if NEVER akong naging perfect. Sorry if you think I NEVER UNDERSTAND anything. I love you.

Sunday, December 11

LDR (:



Ano ang "LDR"? ang ibig sabihin nito ay Long Distance Relationship, ano naman ang ibig sabihin nito? Ito ay isang klase ng relasyon kung saan may dalawang taong nagmamahalan na malayo sa isa't isa. Matindi ang hinaharap ng mga taong nasa ganitong kalagayan, DISTANSYA/DISTANCE ang matindi nilang kalaban, pero hindi lang basta distansya, isang MALAYONG DISTANSYA o LONG DISTANCE, hindi lang basta basta metro o kilometro ang layo, kung hindi, daan o libong milya.

Isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa isang tao ay kapag kasama niya ang taong minamahal niya. Nararamdaman mo ang presensya nya dahil nasa tabi mo lang siya. Kung minsan pa nga, kahit isang kanto lang ang layo niyo sa isa't isa, at minsan lang magkita ng personalan pero kahit kelan, posibleng magkita pa rin kahit anong araw o oras pero hindi mo pa rin maiiwasan mamiss ang taong mahal mo dahil wala siya sa tabi mo. Paano pa kaya ang mga nasa LDR? di ba mas mahirap? daan o libong milya ang layo, ilang bundok at ilang dagat o ilog ang pagitan at bihirang bihirang magkita, kung minsan taon pa ang aabutin bago kayo magkitang muli. Mas lalo mong namimiss ang taong mahal mo, dahil hindi mo siya palaging nakakasama. At kung minsan, ang sarap humiling na sana... may super powers ako, sana... makalipad ako, at sana... makapagteleport ako, makapunta lang sayo.


Madami sa mga nasa LDR, nakakaSurvive, nagtitiis, at naghihintay. At dahil nasa cyber age tayo ngayon, madaming paraan para makausap mo pa rin ang taong mahal mo kahit na malayo siya sayo. Text or Call/ Chat or Video Call, ibang klase talaga ang teknolohiya. Pero kahit na may mga ganitong klase ng paraan, iba pa din yung pakiramdam na gusto mo siya makita sa personal, yung tipong magddate kayo sa theme parks o restaurants, yung makakapagHHWW kayo na pa-sway sway pa, yung mayayakap mo siya ng mahigpit at makakasama ng masaya at maayos, hindi ba ang sarap ng ganon? 

Pero huwag kang mag alala, hindi naman puro kalungkutan ang love story ng mga LDR. Siyempre, may mga magagandang bagay ang dulot ng pagiging malayo niyo sa isa't isa (THINK POSITIVE). Isa sa dahilan kung bakit madaming relasyon ang natatapos.. ay dahil sa nagkakasawaan. sa mga LDR, yan ang hindi nila minsan nararamdaman, dahil kasabikan ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Naghihintay sa araw na magkakakasama muli, naeexcite ba! Nagiging STRONG ang TRUST and LOVE (hindi ko alam kung lahat ganito) pero sa pagkakaalam ko, madami ang nagtatagal dahil malaki ang tiwala ang nila sa isa't isa, at nagiging matibay ang pagmamahalan, dahil sabay silang lumalaban sa pagsubok na dala ng LDR. Isa pa, nagiging daan ito upang mapagtibay ang pagpapasensya ng taong naghihintay.

Hindi lahat ng nasa LDR, nakakasurvive, may ilan natatapos, hindi nalabanan ang distansya at hindi nakakaya ang sakit. Ang ilan hindi kinaya ang paghihintay at napapagod dahil sa tagal, ang ilan naman nakukulangan dahil hindi nila maramdaman ang presensya ng taong mahal nila, kaya nagsasawa at naghahanap ng kalinga ng bagong pagmamahal sa iba kaya nawawala ang tiwala sa isa't isa at humihina ang pagmamahalan. Kung minsan, gaya ng normal na relasyon, may mga hindi nagkakaintindihan o nagkakaunawaan dahil sa parehas nilang nararamdaman, nadadaan ang lahat sa galit, nag aaway at hindi makapagpatawaran kaya natatapos ang lahat at nauuwi sa wala.


Marami na akong kakilala at nasaksihan na nasa ganitong klase ng sitwasyon, at isa na ako doon. Aaminin ko.. Mahirap talaga. Mahirap kasi malayo siya sayo, hindi mo siya nakakasama o nakikita, hindi mo alam kung ayos lang siya, hindi mo siya maalagaan ng maayos, hindi mo maiparamdam kung gaano mo siya kamahal. Sa lahat ng nasaksihan ko, malungkot ang ending, dahil  madami din ang hindi kinakaya ang layo ng distansya at kahit papaano madami pa rin ang nasa happy ending dahil may nagtatagumpay pa din, big achievement nga kung tutuusin, parang nanalo sa lotto, dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap na pinadaanan, matinding saya naman ang kapalit nito, kapag nakasama mo na muli ang taong minamahal mo. Kung minsan talaga nakakatakot pumasok sa ganitong klase ng relasyon, pero ako, natakot man ako, hindi ko pa rin ito tinalikuran, naging matatag pa nga ako. Hindi ako nagsisi o naghihinayang kasi, PINILI at GUSTO ko ito, kaya paninindigan ko ito at aabutin ko ang ninanais ko kung bakit ko ito pinili at iyon ay ang MAKASAMA KO ANG TAONG MAHAL KO♥

Kaya sa mga nasa Long Distance Relationship,
KAYANG KAYA NATIN ITO! TIWALA LANG! MAKAKASAMA MO DIN SIYA ♥ (:
"Love finds a way" -- Maging matatag sa lahat ng problema at pagsubok dahil hindi hadlang ang distansya para sa dalawang taong lubos na nagmamahalan. "Don't measure the distance, measure the love" FIGHT! (:


Time and distance don't mean anything when you know you will embrace and hold each other again♥