Personal Blogs♥

Showing posts with label Personal Blogs♥. Show all posts
Showing posts with label Personal Blogs♥. Show all posts

Friday, July 5

Fresssssh(;


I'll consider this as my first day to step inside my HAPPY PANCAKE BOX.

Hindi ko aakalain na ito na.. sisimulan ko na ngang tunay ang paglalakbay sa loob ng panibagong chapter sa buhay ko. Ang buhay kung saan wala ang anghel na naging minsan ay kalahati ng buhay ko. Akala ko, hindi na ko makakaSurvive, medyo o.a pakinggan pero yun talaga yung feeling ko. Wala na ang mga bagay na nakasanayan kong gawin.. ang maghintay. Yun talaga ang pinakanakasanayan kong gawin araw araw, ang maghintay ng mensahe, tawag at tao. Walang araw siguro na hindi ko nakakalimutan gawin ang bagay na ito. Wala naman akong reklamo noon dahil masaya naman akong naghihintay kahit maikli talaga ang pasensya ko. Sa sobrang inaasam asam kong darating ng hinhintay ko ay nawala na lang na parang bula.


Sa totoo lang hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang dito mahahantong ang lahat. Walang naman akong pagsisisi, dahil naging masaya naman ang mga taon na yun kahit papaano at nagampanan ko din naman ang papel ko ng maayos kahit alam kong naging sablay din ako.


Malungkot at masaya, yan ang nararamdaman ko araw araw. Hindi mo ko masisisi, masyado pang fresh ang mga sugat at may araw pa din na hindi maiiwasan ang isang timba ng luha. Malungkot akong hindi ko pa rin halos matanggap at hindi ko alam kung gaano at ano ba ang naging mismong kasalanan ko para mahantong sa triple kill sakit ang nangyari. Masaya naman akong masaya na anghel ko sa ibang lugar at mas nararamdaman niya yung tuwang hindi ko naibigay sa mga panahon noong kasama ko pa siya. Masaya din ako para sa sarili ko, dahil kailangan ko.


Walang araw na may hindi nagtatanong sa akin.. "Kamusta ka na?" Posibleng sa dalawang dahilan, baka "nag aalala nga" o "naghahanap ng tiyempo para magkwento ko". Hindi ko talaga maintindihan.


Sa totoo lang, hindi ko din naman sila masisisi, alam kong madami ang naghihintay at madami ang nag abang, kumbaga sa teleserye, sila yung viewers at palaging nag aabang sa susunod na kabanata. Pero anong magagawa ko, sabi ni Direk, hindi daw yun yung ending ng teleserye namin. Nabuwag yung love team. SAYANG NAMAN! Pero madami pa naman ang posibleng mangyari, maaring sawi pa ang bida.. malay mo naman, may dadating na bagong leading man o kaya naman, They're meant to be til' the end d buuh? hindi natin alam, dahil si Direk ang nakakaalam. Excited na ko sa ending ♥


Pero sabi nga ni God, May dahilan siya kaya niya ito ginagawa sa amin, at alam kong maganda ang mga dahilan niya. At paunti unti ko ng nasisilayan :">

Salamat sa kanya, sa'yo, sa kanila at kay GOD ♥

Saturday, March 30

Masakit powzs


Kung may hihilingin man siguro ako mula sayo..

Hindi pera o kahit anong materyal na bagay pero..

ORAS at ATENSYON.

Isang minuto, isa hello.
Sapat na para sa akin.

Ang sabi mo miss mo na ko, miss na rin naman kita.. Pero kung puro "seen" ang napapala, nakakawalang gana.
Nang malamang online ka "hours ago" tapos walang naiwan kahit isang tuldok sa inbox, hindi ko alam kung dapat ba kong malungkot o pabayaan ka na lang..

Pero huwag ka ng mag alala, OK LANG naman sa akin yun. NAIINTINDIHAN ko, dapat di ko sinasabi ang mga ganito. Pero gusto ko lang iparating sayo..

"Pansinin mo ko, usap tayo, Miss na kita :("

*demanding ba? Sorry*

Parang dati, sisiw lang ang lahat.. Ngayon, ostrich na :3


Parang kailan lang.. ang (x² - 8x + 24)(x² + 2x - 6) ay dating 1+1 at ang pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis ay dating dog lang. Hindi mo lubos na maisip na ang bilis talaga ng panahon.

Parang dati, petiks lang tayo sa HS, tulog dito, tulog dyan tapos pagdating ng last quarter, TOP 1 pa. Eh ngayon? kahit wala ka na ngang tulog at subsob ka na sa pagreview para sa exma, tapos pagdating FINALS, isang nagpipilantik na 5.0 ang matatanggap mo.

Ang mga bata noon, kahit gaano pa katirik ang araw tuwing tanghali, walang nakakapigil sa kanila sa paglalaro ng taguan, tumbang preso, piko atbp. Eh ngayon, ni kahit siguro umulan ng yelo sa Pilipinas, hindi mo na mapapalabas ang bata sa labas ng bahay para makipagtaguan, dahil kahit hindi sila lumalabas ng kwarto, nakikipagtaguan na sila sa counter strike.

Parang tayo noon, dati nag uusap na walang alinlangan. Paggising pa lang sa umaga, mukha mo na agad ang nakikita sa madaling paraan. Maraming panahon, araw at oras, parang hindi nauubos. mapa-FB, twitter, skype, HTV o TC. Andun tayo, walang tigil na kwentuhan. Walang masyadong pinagkakaabalahan, walang masyadong iniisip basta masayang nagkkwentuhan sa kung anu anong bagay hanggang sa abutin ng ilang oras na parang wala lang.

Masaya talaga ang pakikipagkaibigan ko sayo noon, BARAHAN dito, BARAHAN doon. Sweet ng konti, Bitter ng konti. Joke dito, asar doon. Ang saya! parang wala lang ang lahat kahit anong mangyari. KASI NGA MAGKAIBIGAN TAYO.

Hanggang sa dumating ang panahon na para tayong walkie talkie, hindi gagana ang isa ng wala ang isa. Yung tipong hindi talaga mapipigilan yung pagkakaroon ng kasabikan, hindi mabubuhay ng isang araw, pag hindi nakakausap o nakakpagmessage. GINAGAWA ANG LAHAT NG PARAAN para makapag usap. makikipag usap ng 24/7, umaga tanghali at gabi hanggang madaling araw. NAKAKAMISS. Gaya rin noon, walang nagbago, masayang kwentuhan, walang masyadong inaalala, walang alangan. BARA DITO BARA DOON. Ang sarap balikan.
 
Pero sabi nga nila, TIME FLIES. madaming nagbabago, madaming namimiss at madami ang hindi na din kayang ibalik. OLD TIMES,  VERY GOOD OLD TIMES. Siguro nga dapat na din natin malaman na LAHAT NAGBABAGO except sa salitang PAGBABAGO.

Araw araw, naalala ko ang mga pangyayaring ang sarap balik balikan, parang yung tipong kung pwede lang HATAKIN na lang bigla para bumalik kaso hindi naman ganun kadali yun. Kaya tama nga na, LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST. Live like there's no tomorrow kasi hindi mo na kayang ulitin yung eksaktong nangyari kahapon.

Masyado ata akong umasa na magiging stable tayo noon. Yung yun na lang, palaging masaya at makulit. Hindi ko din kasi inaasahan na ganito. well, EXPECT THE UNEXPECTED. Wala naman dapat sisihin, dahil ganito talaga ang REALITY.

Isa na lang siguro ang dapat gawin, mag-ADJUST, UMINTINDI at TANGGAPIN. Siguro nga hanggang ala ala na lang ang mga yun. Hindi na maibabalik pa..

Mga ala alang naging paraan para mas makilala pa kita, mga ala ala na kailanman ay hindi malilimutan at ang mga ala ala kung saan nagsimula ang lahat ♥