May masabi lang.

Showing posts with label May masabi lang.. Show all posts
Showing posts with label May masabi lang.. Show all posts

Saturday, March 30

Masakit powzs


Kung may hihilingin man siguro ako mula sayo..

Hindi pera o kahit anong materyal na bagay pero..

ORAS at ATENSYON.

Isang minuto, isa hello.
Sapat na para sa akin.

Ang sabi mo miss mo na ko, miss na rin naman kita.. Pero kung puro "seen" ang napapala, nakakawalang gana.
Nang malamang online ka "hours ago" tapos walang naiwan kahit isang tuldok sa inbox, hindi ko alam kung dapat ba kong malungkot o pabayaan ka na lang..

Pero huwag ka ng mag alala, OK LANG naman sa akin yun. NAIINTINDIHAN ko, dapat di ko sinasabi ang mga ganito. Pero gusto ko lang iparating sayo..

"Pansinin mo ko, usap tayo, Miss na kita :("

*demanding ba? Sorry*

Immaturity strikes.


Aminin man natin o hindi, LAHAT tayo ay immature pa, nagiging immature at hindi nawawalan ng immaturity.

Yung akala natin, alam at naintindihan na natin ang lahat ng problema, hindi magandang pangyayari at kung ano pang simpleng bagay na komplikadong nagaganap sa buhay... pero ang totoo, AKALA lang nating yun.

Sabi nila, ang pag iyak, pag reklamo, pag demand, pag assume, pag tampo at pag aaway dahil sa maliit na bagay. Ang pag sasawa, pag tigil, pagiging makasarili at pagiging sensitive sa mga simpleng dahilan ay nagiging sanhi ng pagiging immature..

Sa totoo lang, KAYA naman nating baguhin ang mga nagiging dahilan sa likod nito, pero ang tunay na totoo, sa buhay natin, hindi natin ito kayang pigilan.

*sabi nga nila, WALANG THRILL ang RELATIONSHIP kung WALANG IMMATURITY kahit konti*

Parang dati, sisiw lang ang lahat.. Ngayon, ostrich na :3


Parang kailan lang.. ang (x² - 8x + 24)(x² + 2x - 6) ay dating 1+1 at ang pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis ay dating dog lang. Hindi mo lubos na maisip na ang bilis talaga ng panahon.

Parang dati, petiks lang tayo sa HS, tulog dito, tulog dyan tapos pagdating ng last quarter, TOP 1 pa. Eh ngayon? kahit wala ka na ngang tulog at subsob ka na sa pagreview para sa exma, tapos pagdating FINALS, isang nagpipilantik na 5.0 ang matatanggap mo.

Ang mga bata noon, kahit gaano pa katirik ang araw tuwing tanghali, walang nakakapigil sa kanila sa paglalaro ng taguan, tumbang preso, piko atbp. Eh ngayon, ni kahit siguro umulan ng yelo sa Pilipinas, hindi mo na mapapalabas ang bata sa labas ng bahay para makipagtaguan, dahil kahit hindi sila lumalabas ng kwarto, nakikipagtaguan na sila sa counter strike.

Parang tayo noon, dati nag uusap na walang alinlangan. Paggising pa lang sa umaga, mukha mo na agad ang nakikita sa madaling paraan. Maraming panahon, araw at oras, parang hindi nauubos. mapa-FB, twitter, skype, HTV o TC. Andun tayo, walang tigil na kwentuhan. Walang masyadong pinagkakaabalahan, walang masyadong iniisip basta masayang nagkkwentuhan sa kung anu anong bagay hanggang sa abutin ng ilang oras na parang wala lang.

Masaya talaga ang pakikipagkaibigan ko sayo noon, BARAHAN dito, BARAHAN doon. Sweet ng konti, Bitter ng konti. Joke dito, asar doon. Ang saya! parang wala lang ang lahat kahit anong mangyari. KASI NGA MAGKAIBIGAN TAYO.

Hanggang sa dumating ang panahon na para tayong walkie talkie, hindi gagana ang isa ng wala ang isa. Yung tipong hindi talaga mapipigilan yung pagkakaroon ng kasabikan, hindi mabubuhay ng isang araw, pag hindi nakakausap o nakakpagmessage. GINAGAWA ANG LAHAT NG PARAAN para makapag usap. makikipag usap ng 24/7, umaga tanghali at gabi hanggang madaling araw. NAKAKAMISS. Gaya rin noon, walang nagbago, masayang kwentuhan, walang masyadong inaalala, walang alangan. BARA DITO BARA DOON. Ang sarap balikan.
 
Pero sabi nga nila, TIME FLIES. madaming nagbabago, madaming namimiss at madami ang hindi na din kayang ibalik. OLD TIMES,  VERY GOOD OLD TIMES. Siguro nga dapat na din natin malaman na LAHAT NAGBABAGO except sa salitang PAGBABAGO.

Araw araw, naalala ko ang mga pangyayaring ang sarap balik balikan, parang yung tipong kung pwede lang HATAKIN na lang bigla para bumalik kaso hindi naman ganun kadali yun. Kaya tama nga na, LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST. Live like there's no tomorrow kasi hindi mo na kayang ulitin yung eksaktong nangyari kahapon.

Masyado ata akong umasa na magiging stable tayo noon. Yung yun na lang, palaging masaya at makulit. Hindi ko din kasi inaasahan na ganito. well, EXPECT THE UNEXPECTED. Wala naman dapat sisihin, dahil ganito talaga ang REALITY.

Isa na lang siguro ang dapat gawin, mag-ADJUST, UMINTINDI at TANGGAPIN. Siguro nga hanggang ala ala na lang ang mga yun. Hindi na maibabalik pa..

Mga ala alang naging paraan para mas makilala pa kita, mga ala ala na kailanman ay hindi malilimutan at ang mga ala ala kung saan nagsimula ang lahat ♥

Thursday, March 28

May masabi lang.


Ang bawat tao ay bngyan 24hrs sa isang araw para gawin ang lahat ng kaya nyang gawin.

Naintindihan naman siguro natin na minsan, may nakakalimutan tayo dahil sobrang busy tayo sa ilang bagay, o nakakalimutan natin o PAGOD.

Pero minsan ba naisip natin na yung 24hrs na yun.. Walang natitira o walang interval sa pagging busy? O nagkakaroon din naman tayo ng free time, di ba?

Di mo ba naiisip na may mga tao din na humihingi ng kahit isang minuto, isang hi, at konting atensyon mula sayo?

OO, busy ka, pagod ka at may bukas pa. Marami pang bukas. Pero di mo ba naiisip na.. Nasa tabi mo pa din ba sila bukas?

Kaya LIVE THE LIFE TO THE FULLEST. Live like there's no tomorrow. Always remember & recognize those people who always stay on your side cuz di mo alam kung hanggang kailan sila nandyan sa tabi mo.

Have a blessed maundy thursday.

Too much drama, sucks!


Minsan, may advantage ang pagiging dramatic. Yung napupukaw mo yung atensyon nya na i-comfort ka at lambingin ka o minsan, naayos nyo yung problema nyo dahil naglalabas ka ng sama ng loob.

Pero minsan, hindi nila nararamdaman yung gusto mo ipahiwatig. Akala nila, nagddrama ka at ginagawa mo lang ang drama para sa walang kwentang atensyon o para gumawa ng eksena..

pero ang totoo, gusto mo lang gawin yun para ipahiwatig na..

"Miss na kita, usap naman tayo? Please?"

Sunday, March 24