December 2011

Sunday, December 11

LDR (:



Ano ang "LDR"? ang ibig sabihin nito ay Long Distance Relationship, ano naman ang ibig sabihin nito? Ito ay isang klase ng relasyon kung saan may dalawang taong nagmamahalan na malayo sa isa't isa. Matindi ang hinaharap ng mga taong nasa ganitong kalagayan, DISTANSYA/DISTANCE ang matindi nilang kalaban, pero hindi lang basta distansya, isang MALAYONG DISTANSYA o LONG DISTANCE, hindi lang basta basta metro o kilometro ang layo, kung hindi, daan o libong milya.

Isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa isang tao ay kapag kasama niya ang taong minamahal niya. Nararamdaman mo ang presensya nya dahil nasa tabi mo lang siya. Kung minsan pa nga, kahit isang kanto lang ang layo niyo sa isa't isa, at minsan lang magkita ng personalan pero kahit kelan, posibleng magkita pa rin kahit anong araw o oras pero hindi mo pa rin maiiwasan mamiss ang taong mahal mo dahil wala siya sa tabi mo. Paano pa kaya ang mga nasa LDR? di ba mas mahirap? daan o libong milya ang layo, ilang bundok at ilang dagat o ilog ang pagitan at bihirang bihirang magkita, kung minsan taon pa ang aabutin bago kayo magkitang muli. Mas lalo mong namimiss ang taong mahal mo, dahil hindi mo siya palaging nakakasama. At kung minsan, ang sarap humiling na sana... may super powers ako, sana... makalipad ako, at sana... makapagteleport ako, makapunta lang sayo.


Madami sa mga nasa LDR, nakakaSurvive, nagtitiis, at naghihintay. At dahil nasa cyber age tayo ngayon, madaming paraan para makausap mo pa rin ang taong mahal mo kahit na malayo siya sayo. Text or Call/ Chat or Video Call, ibang klase talaga ang teknolohiya. Pero kahit na may mga ganitong klase ng paraan, iba pa din yung pakiramdam na gusto mo siya makita sa personal, yung tipong magddate kayo sa theme parks o restaurants, yung makakapagHHWW kayo na pa-sway sway pa, yung mayayakap mo siya ng mahigpit at makakasama ng masaya at maayos, hindi ba ang sarap ng ganon? 

Pero huwag kang mag alala, hindi naman puro kalungkutan ang love story ng mga LDR. Siyempre, may mga magagandang bagay ang dulot ng pagiging malayo niyo sa isa't isa (THINK POSITIVE). Isa sa dahilan kung bakit madaming relasyon ang natatapos.. ay dahil sa nagkakasawaan. sa mga LDR, yan ang hindi nila minsan nararamdaman, dahil kasabikan ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Naghihintay sa araw na magkakakasama muli, naeexcite ba! Nagiging STRONG ang TRUST and LOVE (hindi ko alam kung lahat ganito) pero sa pagkakaalam ko, madami ang nagtatagal dahil malaki ang tiwala ang nila sa isa't isa, at nagiging matibay ang pagmamahalan, dahil sabay silang lumalaban sa pagsubok na dala ng LDR. Isa pa, nagiging daan ito upang mapagtibay ang pagpapasensya ng taong naghihintay.

Hindi lahat ng nasa LDR, nakakasurvive, may ilan natatapos, hindi nalabanan ang distansya at hindi nakakaya ang sakit. Ang ilan hindi kinaya ang paghihintay at napapagod dahil sa tagal, ang ilan naman nakukulangan dahil hindi nila maramdaman ang presensya ng taong mahal nila, kaya nagsasawa at naghahanap ng kalinga ng bagong pagmamahal sa iba kaya nawawala ang tiwala sa isa't isa at humihina ang pagmamahalan. Kung minsan, gaya ng normal na relasyon, may mga hindi nagkakaintindihan o nagkakaunawaan dahil sa parehas nilang nararamdaman, nadadaan ang lahat sa galit, nag aaway at hindi makapagpatawaran kaya natatapos ang lahat at nauuwi sa wala.


Marami na akong kakilala at nasaksihan na nasa ganitong klase ng sitwasyon, at isa na ako doon. Aaminin ko.. Mahirap talaga. Mahirap kasi malayo siya sayo, hindi mo siya nakakasama o nakikita, hindi mo alam kung ayos lang siya, hindi mo siya maalagaan ng maayos, hindi mo maiparamdam kung gaano mo siya kamahal. Sa lahat ng nasaksihan ko, malungkot ang ending, dahil  madami din ang hindi kinakaya ang layo ng distansya at kahit papaano madami pa rin ang nasa happy ending dahil may nagtatagumpay pa din, big achievement nga kung tutuusin, parang nanalo sa lotto, dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap na pinadaanan, matinding saya naman ang kapalit nito, kapag nakasama mo na muli ang taong minamahal mo. Kung minsan talaga nakakatakot pumasok sa ganitong klase ng relasyon, pero ako, natakot man ako, hindi ko pa rin ito tinalikuran, naging matatag pa nga ako. Hindi ako nagsisi o naghihinayang kasi, PINILI at GUSTO ko ito, kaya paninindigan ko ito at aabutin ko ang ninanais ko kung bakit ko ito pinili at iyon ay ang MAKASAMA KO ANG TAONG MAHAL KO♥

Kaya sa mga nasa Long Distance Relationship,
KAYANG KAYA NATIN ITO! TIWALA LANG! MAKAKASAMA MO DIN SIYA ♥ (:
"Love finds a way" -- Maging matatag sa lahat ng problema at pagsubok dahil hindi hadlang ang distansya para sa dalawang taong lubos na nagmamahalan. "Don't measure the distance, measure the love" FIGHT! (:


Time and distance don't mean anything when you know you will embrace and hold each other again♥

Friday, December 9

Loving the Most Unexpected Person in Your Life (:



SURPRISE! -- Minsan, naiinlove tayo sa kaibigan, kaklase, kapitbahay, kakilala sa isang lugar, at sa STRANGER. Sabi nga nila, EXPECT THE UNEXPECTED -- Hindi mo alam na yan palang kamurahan mo sa eskwela, eh magiging kamahalan mo, o di kaya, yang taong hindi mo pinapansin at kinakausap, eh yung taong magiging bukang bibig mo.
"we always fall in love with the most unexpected person" -- lagi naman ganito eh, di ba? pero BAKIT? siguro, kasi nga si God ang nagsusulat ng love story natin, at lagi siyang may surprise para sa atin na pwede natin ikasaya o ikalungkot. UNEXPECTED nga eh!
Sample? (:


"IM LUCKY IM IN LOVE WITH MY BESTFRIEND" -- Madami ang nasa ganitong sitwasyon.. Hindi mo expect na yan palang.. si BESTFRIEND ang makakatuluyan mo.. "Why is it we always fall for our best friends? Is it because we know we can trust them? Is it because we know them so well? Is it because of the way they know exactly whats going on in our heads? Or is it because they are there any day, anytime, anywhere without the promise of kisses, intimate touches or whispered sentiments of love? I think we love them because they are there when there is nothing in it for them except for that little glimmer of hope that maybe someday there will be." (nakuha ko lang ito kung saang lupalop ng internet) -- inferness, TAMA ang sabi niya, dahil mas maiintindihan ka ng bestfriend mo at mas alam nya kung sino ka, ano ka, at kung ano ang ayaw at gusto mo. Siya ba yung tipong pag sad ka, alam nya kung ano magpapasaya sayo, at yung tipong pag may topak ka, pati siya sasali para parehas kayo may topak! XD pero aminin mo, totoo yan. Eh paano nga ba tayo nagkakaroon ng BEST FRIEND? di ba kasi, parehas kayo ng gusto, masaya ka pag kasama mo siya, nagkakaintindihan kayo kasi parehas nga kayo may topak, at comfortable kayo sa isa't isa. Eh paano naman ba naiinlove ang isang tao? dahil gusto niya ito? dahil crush mo siya? eh di ba kasi MASAYA KA PAG KAPILING MO SIYA (: at yung nagkakaintindihan kayo kahit nagtititigan lang kayo, yung tipong kahit ngiti lang nya, masaya ka na.
"There's nothing as nice as someone who shares your laughter, your secrets, your wishes and cares, someone who's there through you good times and to catch all your tears."

"OPPOSITE DO ATTRACT"-- naalala ko ang kanta ni juris.. "I wanna go right, you'd rather go left, I wanna go fight, you'd rather be quiet..." -- Para lang yang Law Of Attraction, yung dalawang magnet, na may South Pole and North Pole sa bawat dulo.. pag pinag dikit mo SP ng isa at NP ng isa ng magnet, automatic nagdidikit sila. Lets compare to love, ang sabi ng iba, madami sa mga nagkakatuluyan o nagiging lovers ay sa kadahilanan na parehas sila sa ilang bagay o parehas sila ng gusto o ayaw at ang sabi din nila, imposible naman daw magkatuluyan ang mga may pagkakaiba dahil hindi sila magkakasundo. Pero, bakit mas marami ata ang nagakakatuluyan kahit magkaiba sila? like, isang hearthrob ay nainlove sa isang nerd o kaya ang isang mala-Anghel na babae ay nainlove sa isang chickboy. Ano iniisip ng iba? IMPOSIBLE! Hindi ba UNEXPECTED? May natagpuan akong sagot galing sa kung sinong taong sumagot sa internet.. ang sabi niya.. "People are attracted to there opposites for a few reasons, but the main reason is because they are just looking (subconciously) for qualities that they dont have." -- Its like the YIN and YANG, it is used to describe how polar opposites or seemingly contrary forces are interconnected and interdependent in the natural world. Pero hindi mo pa rin aakalain na kahit meron silang different personalities, nagkakaintindihan sila. Malay mo yan palang taong hindi mo maintindihan, ang magpapaintindi sayo sa huli (:

"STRANGERS IN LOVE" -- Malay mo nakita mo na siya, pero hindi pa nagtatagpo ang landas niyo. Patuloy mong hinahanap ang taong magpapatibok ng puso mo, patuloy kang nagmamahal at nasasaktan pero hindi mo akalain na isang estranghero pala ang makakatuluyan mo sa huli. Madami na ang nakakaranas ng ganito, yung tipong hindi mo akalain na yung tao palang nakabunggo kanina habang pasakay ka sa jeep, ay ang taong makakasama mo sa pagpara ng "Ma, bayad po dalawang senior.." Noong bata pa tayo, palaging pinapaalala sa atin ng mga magulang natin.. "DON'T TALK TO STRANGERS" -- bakit nga ba ito lagi pinapaalala sa atin? dahil delikado na ang mga tao ngayon kasi WILD sila? o baka daw kasi makidnap tayo? SIGURO nga.. BAKA MAKIDNAP tayo..hindi mo nga din akalain na nakidnap ka ng isang estranghero.. NAKIDNAP ANG PUSO MO (:
"When I first saw you I was afraid to talk to you. When I first talked to you I was afraid to like you. When I first liked you I was afraid to love you.Now that I love you I'm afraid to lose you."



"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa" -- NAALALA MO BA ITO? (: -- Maybe there are no right moments, right guys, right answers, maybe sometimes you just have to say whats in your heart. Maraming SURPRISES sa buhay natin. -- Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control -- we create our own destiny.. Kaya kung single ka pa... ITS YOUR CHOICE. "Every time God creates a soul in heaven, he creates another to be its special mate. And that once we're born we begin to search for our soul mate, the one person who's the perfect fit for our match."-- Sinusulat lang ni God ang love story mo, pero hindi niya kinokontrol ang love life mo, pero ginagabayan ka niya sa paglalakbay mo. Kaya kung naghihintay ka na dumating si Mr. Right o Ms. Perfect.. wag ka lang tumunganga dyan.. KUMILOS KA! (: its your love life at ikaw ang MAIN AUTHOR, ikaw ang EDITOR at ikaw ang BIDA.♥ Ikaw man ang gumawa may mga pangyayari pa rin na hindi mo inaasahan. "Sometimes you meet someone and before you know their name, before you know where they are from, you know that sometime in the future this person is going to mean something to you."