Loving the Most Unexpected Person in Your Life (:
SURPRISE! -- Minsan, naiinlove tayo sa kaibigan, kaklase, kapitbahay, kakilala sa isang lugar, at sa STRANGER. Sabi nga nila, EXPECT THE UNEXPECTED -- Hindi mo alam na yan palang kamurahan mo sa eskwela, eh magiging kamahalan mo, o di kaya, yang taong hindi mo pinapansin at kinakausap, eh yung taong magiging bukang bibig mo.
"we always fall in love with the most unexpected person" -- lagi naman ganito eh, di ba? pero BAKIT? siguro, kasi nga si God ang nagsusulat ng love story natin, at lagi siyang may surprise para sa atin na pwede natin ikasaya o ikalungkot. UNEXPECTED nga eh!
Sample? (:
"IM LUCKY IM IN LOVE WITH MY BESTFRIEND" -- Madami ang nasa ganitong sitwasyon.. Hindi mo expect na yan palang.. si BESTFRIEND ang makakatuluyan mo.. "Why is it we always fall for our best friends? Is it because we know we can trust them? Is it because we know them so well? Is it because of the way they know exactly whats going on in our heads? Or is it because they are there any day, anytime, anywhere without the promise of kisses, intimate touches or whispered sentiments of love? I think we love them because they are there when there is nothing in it for them except for that little glimmer of hope that maybe someday there will be." (nakuha ko lang ito kung saang lupalop ng internet) -- inferness, TAMA ang sabi niya, dahil mas maiintindihan ka ng bestfriend mo at mas alam nya kung sino ka, ano ka, at kung ano ang ayaw at gusto mo. Siya ba yung tipong pag sad ka, alam nya kung ano magpapasaya sayo, at yung tipong pag may topak ka, pati siya sasali para parehas kayo may topak! XD pero aminin mo, totoo yan. Eh paano nga ba tayo nagkakaroon ng BEST FRIEND? di ba kasi, parehas kayo ng gusto, masaya ka pag kasama mo siya, nagkakaintindihan kayo kasi parehas nga kayo may topak, at comfortable kayo sa isa't isa. Eh paano naman ba naiinlove ang isang tao? dahil gusto niya ito? dahil crush mo siya? eh di ba kasi MASAYA KA PAG KAPILING MO SIYA (: at yung nagkakaintindihan kayo kahit nagtititigan lang kayo, yung tipong kahit ngiti lang nya, masaya ka na.
"There's nothing as nice as someone who shares your laughter, your secrets, your wishes and cares, someone who's there through you good times and to catch all your tears."
"OPPOSITE DO ATTRACT"-- naalala ko ang kanta ni juris.. "I wanna go right, you'd rather go left, I wanna go fight, you'd rather be quiet..." -- Para lang yang Law Of Attraction, yung dalawang magnet, na may South Pole and North Pole sa bawat dulo.. pag pinag dikit mo SP ng isa at NP ng isa ng magnet, automatic nagdidikit sila. Lets compare to love, ang sabi ng iba, madami sa mga nagkakatuluyan o nagiging lovers ay sa kadahilanan na parehas sila sa ilang bagay o parehas sila ng gusto o ayaw at ang sabi din nila, imposible naman daw magkatuluyan ang mga may pagkakaiba dahil hindi sila magkakasundo. Pero, bakit mas marami ata ang nagakakatuluyan kahit magkaiba sila? like, isang hearthrob ay nainlove sa isang nerd o kaya ang isang mala-Anghel na babae ay nainlove sa isang chickboy. Ano iniisip ng iba? IMPOSIBLE! Hindi ba UNEXPECTED? May natagpuan akong sagot galing sa kung sinong taong sumagot sa internet.. ang sabi niya.. "People are attracted to there opposites for a few reasons, but the main reason is because they are just looking (subconciously) for qualities that they dont have." -- Its like the YIN and YANG, it is used to describe how polar opposites or seemingly contrary forces are interconnected and interdependent in the natural world. Pero hindi mo pa rin aakalain na kahit meron silang different personalities, nagkakaintindihan sila. Malay mo yan palang taong hindi mo maintindihan, ang magpapaintindi sayo sa huli (:
"STRANGERS IN LOVE" -- Malay mo nakita mo na siya, pero hindi pa nagtatagpo ang landas niyo. Patuloy mong hinahanap ang taong magpapatibok ng puso mo, patuloy kang nagmamahal at nasasaktan pero hindi mo akalain na isang estranghero pala ang makakatuluyan mo sa huli. Madami na ang nakakaranas ng ganito, yung tipong hindi mo akalain na yung tao palang nakabunggo kanina habang pasakay ka sa jeep, ay ang taong makakasama mo sa pagpara ng "Ma, bayad po dalawang senior.." Noong bata pa tayo, palaging pinapaalala sa atin ng mga magulang natin.. "DON'T TALK TO STRANGERS" -- bakit nga ba ito lagi pinapaalala sa atin? dahil delikado na ang mga tao ngayon kasi WILD sila? o baka daw kasi makidnap tayo? SIGURO nga.. BAKA MAKIDNAP tayo..hindi mo nga din akalain na nakidnap ka ng isang estranghero.. NAKIDNAP ANG PUSO MO (:
"When I first saw you I was afraid to talk to you. When I first talked to you I was afraid to like you. When I first liked you I was afraid to love you.Now that I love you I'm afraid to lose you."
0 comments :
Post a Comment