Home » Archives for June 2013
Friday, June 28
1. HUGASAN ANG UTAK.
Paano? Maligo ka at tumawa ka ng tumawa sa nangyari. Kumanta ka ng kumanta. Sumayaw ka ng sumayaw. XD
2. BALIKTARIN MO ANG SIKMURA MO.
Paano? Basahin mo lahat ng convo nyo noon. asarin mo sarili mo. Tiyak babaliktad sikmura mo sa asar. sagaran! XD
3. KAUSAPIN LAHAT NG ALIEN.
Paano? Kausapin mo lahat ng baliw mong kaibigan. YUNG SABOG ah? Tapos guluhin mo yung buhay. XD
4. REFLECTION
Paano? Tingin ka sa salamin. Tapos sigawan mo.. "SHUNGA KA!" Tapos bulungan mo.. "MINAHAL KO KASI NG SOBRA" Tapos sigaw ka ulit.. "SHUNGA MO" tapos bulungan mo "PINAGPALIT KA" tapos sigaw ka ulit "SHUNGA MO!"
ps: kayo na bahala sa mga isisigaw at ibubulong.
5. ANG KISAME.
Paano? Titigan ang kisame, tiyak na ikaw ay maiinspire sa wala. Tapos iiyak ka na lang bigla lol XD
6. PRAYER.
Paano? Kausapin mo lang si God araw araw o gabi gabi <3 Sabihin mo lahat ng problema mo at ipagdasal mo yung mga taong nanakit sayo. Magpromise ka sa kanya na wala kang gagawing masama sa kanila at pagdadasal mo ang ikabubuti niya o nila. MAHAL KA NI GOD. Lahat ng hiling mo tutuparin niya at tutulungan ka niya makalimutan mo ang lahat ng sakit. TIWALA LANG.
TRY NYO KUNG EFFECTIVE SA INYO. GAWAIN KO ITO ARAW ARAW :)
Friday, June 21
AKO.
June 21, 2013 FJ
ISANG DAKILANG TANGA.
Iyan ang tingin nila sa akin. Oo, aaminin ko.. madaming beses akong nasaktan at kahit hanggang ngayon.. nasasaktan pa rin ako.
Pero, sa isip ko.. SIYA pa rin ang gusto ko. SIYA pa rin ang nais ko. SANA SIYA pa rin hanggang dulo. Iniwan niya ko, hindi ko tanggap. Masakit pa rin. Pero wala akong balak kalimutan siya..
Hindi ko alam kung anong meron sa anya na naging dahilan kaya.. "Siya pa rin talaga forever" ang pangarap ko.
Siguro nga naiwan na nya din ako.
Siguro.. nagmomove on na sya.
Siguro.. kinakalimutan na nya ko.
Siguro.. di na nya ko namimiss..
Siguro di na nya ko mahal..
pero ako, ito.. namamatay sa pagtitiis.
oo, oa. pero hindi ko din talaga.alam kung bakit ako ganito sa kanya.. yung sana malaman nya kung gaano ko na sya kamiss.. at kung gaano ka pa rin sya gustong maging buhay ko, siya pa rin ang pangarap. siya ang panginip. siya pa rin.
kahit alam kong impossible na din mabalik ang "tayo" at impossibleng bumalik sya sa buhay ko.. patuloy pa din ako magdadasal, hihiling at mangangarap..
dahil MAHAL ko talaga siya.
Wednesday, June 19
Less than 3.
June 19, 2013 FJ
Para sa'yo,
"Sa bawat bagay na nasa paligid ko, may kinalaman sa'yo. Sa lahat ng nakakasalamuha ko, ikaw ang tinatanong. Hanggang sa pagpikit ng aking mga mata, ikaw pa rin ang nakikita sa ibang mundo. At muli sa paggising, walang pagbabago.. IKAW PA RIN..."
Andoon pa rin lahat ng plano, andito pa rin ang mga litrato at basta lahat ng bagay na nagpapaalala sayo..
Paulit ulit pinapanood lahat ng kakulitan mo.
Paulit ulit tinititigan ang mga litratong naging masaya ka sa piling ko.
Paulit ulit pinakikinggan ang mga kantang inialay mo sa akin.
Pabalik balik sa profile mo.
at patuloy na nag iisip sa kung ano na ang pwedeng mangyari na may kasamang masakit na ngiti at namumugtong luha.
Oo, aaminin ko.. HINDI KO PA RIN LUBOS NA TANGGAP na hindi na kitang maaring tawaging "babe", hindi na kita masabihan ng iloveyou dahil alam kong di ka sasagot pabalik, yung makalambingan, yung makakulitan at makaharutan, at yung umayaw ka na at INIWAN MO NA KO.
Siguro sa ngayon, nagsisimula ka ng magMove on.. siguro, nakakalimutan mo na ko.. siguro, naging maginhawa na ang buhay mo.. siguro, tanggap mo na.. siguro, sanay ka na.. at siguro, masaya ka na ng wala ako..
Sa totoo lang, gusto ko talaga bumalik sa nakaraan at wag ng bumalik sa kasalukuyan. Kung pwede lang na hindi na magising mula sa panaginip na kasama ka, siguro tulog pa rin ako hanggang ngayon.
Ang dami nilang tanong at ang dami nilang sinasabi pero hindi ako nakikinig. Dapat daw ganito, dapat ganyan.. di madali, mahirap tanggapin at hindi alam ang buong nangyari.. at dahil patuloy na tumatatak sa isip ko lahat ng sinabi mo.. na may tiwala at patuloy na umaasa kahit na may 99% impossibility.
Masakit? Oo, sobra sobra. Pero patuloy pa din akong humihiling at nagdadasal sa kanya at parang di ko na titigilan pa.
Pero, siguro.. kahit papaano.. Masasanay din ako.. at patuloy na hihiling, magdadasal at magpapasalamat.
Oo, sobrang namimiss na kita at sobrang mahal na mahal kita at sa palagay ko, imposible na din yun mawala..
At darating ang araw na.. magtatanong muli ako.. kahit.. may 99% impossibility..
Siguro hindi mo din ito mapapansin o mababasa at baka wala akong sagot na matatanggap mula sa'yo.. basta, ito'y para sayo.
at alam kong sa ibang makakabasa nito, iisa lang ang iisipin at sasabihin........ oo, ako yun.
at sa huli, para sa'yo.. yun at yun pa rin.
Salamat❤
AKO.