Less than 3.

Wednesday, June 19

Less than 3.


Para sa'yo,

"Sa bawat bagay na nasa paligid ko, may kinalaman sa'yo. Sa lahat ng nakakasalamuha ko, ikaw ang tinatanong. Hanggang sa pagpikit ng aking mga mata, ikaw pa rin ang nakikita sa ibang mundo. At muli sa paggising, walang pagbabago.. IKAW PA RIN..."

Andoon pa rin lahat ng plano, andito pa rin ang mga litrato at basta lahat ng bagay na nagpapaalala sayo..

Paulit ulit pinapanood lahat ng kakulitan mo.
Paulit ulit tinititigan ang mga litratong naging masaya ka sa piling ko.
Paulit ulit pinakikinggan ang mga kantang inialay mo sa akin.
Pabalik balik sa profile mo.

at patuloy na nag iisip sa kung ano na ang pwedeng mangyari na may kasamang masakit na ngiti at namumugtong luha.

Oo, aaminin ko.. HINDI KO PA RIN LUBOS NA TANGGAP na hindi na kitang maaring tawaging "babe", hindi na kita masabihan ng iloveyou dahil alam kong di ka sasagot pabalik, yung makalambingan, yung makakulitan at makaharutan, at yung umayaw ka na at INIWAN MO NA KO.

Siguro sa ngayon, nagsisimula ka ng magMove on.. siguro, nakakalimutan mo na ko.. siguro, naging maginhawa na ang buhay mo.. siguro, tanggap mo na.. siguro, sanay ka na.. at siguro, masaya ka na ng wala ako..

Sa totoo lang, gusto ko talaga bumalik sa nakaraan at wag ng bumalik sa kasalukuyan. Kung pwede lang na hindi na magising mula sa panaginip na kasama ka, siguro tulog pa rin ako hanggang ngayon.

Ang dami nilang tanong at ang dami nilang sinasabi pero hindi ako nakikinig. Dapat daw ganito, dapat ganyan.. di madali, mahirap tanggapin at hindi alam ang buong nangyari.. at dahil patuloy na tumatatak sa isip ko lahat ng sinabi mo.. na may tiwala at patuloy na umaasa kahit na may 99% impossibility. 

Masakit? Oo, sobra sobra. Pero patuloy pa din akong humihiling at nagdadasal sa kanya at parang di ko na titigilan pa. 

Pero, siguro.. kahit papaano.. Masasanay din ako.. at patuloy na hihiling, magdadasal at magpapasalamat.

Oo, sobrang namimiss na kita at sobrang mahal na mahal kita at sa palagay ko, imposible na din yun mawala..

At darating ang araw na.. magtatanong muli ako.. kahit.. may 99% impossibility..

Siguro hindi mo din ito mapapansin o mababasa at baka wala akong sagot na matatanggap mula sa'yo.. basta, ito'y para sayo. 

at alam kong sa ibang makakabasa nito, iisa lang ang iisipin at sasabihin........ oo, ako yun. 

at sa huli, para sa'yo.. yun at yun pa rin.

Salamat❤

AKO.

0 comments :