Parang dati, sisiw lang ang lahat.. Ngayon, ostrich na :3
Parang kailan lang.. ang (x² - 8x + 24)(x² + 2x - 6) ay dating 1+1 at ang pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis ay dating dog lang. Hindi mo lubos na maisip na ang bilis talaga ng panahon.
Parang dati, petiks lang tayo sa HS, tulog dito, tulog dyan tapos pagdating ng last quarter, TOP 1 pa. Eh ngayon? kahit wala ka na ngang tulog at subsob ka na sa pagreview para sa exma, tapos pagdating FINALS, isang nagpipilantik na 5.0 ang matatanggap mo.
Ang mga bata noon, kahit gaano pa katirik ang araw tuwing tanghali, walang nakakapigil sa kanila sa paglalaro ng taguan, tumbang preso, piko atbp. Eh ngayon, ni kahit siguro umulan ng yelo sa Pilipinas, hindi mo na mapapalabas ang bata sa labas ng bahay para makipagtaguan, dahil kahit hindi sila lumalabas ng kwarto, nakikipagtaguan na sila sa counter strike.
Parang tayo noon, dati nag uusap na walang alinlangan. Paggising pa lang sa umaga, mukha mo na agad ang nakikita sa madaling paraan. Maraming panahon, araw at oras, parang hindi nauubos. mapa-FB, twitter, skype, HTV o TC. Andun tayo, walang tigil na kwentuhan. Walang masyadong pinagkakaabalahan, walang masyadong iniisip basta masayang nagkkwentuhan sa kung anu anong bagay hanggang sa abutin ng ilang oras na parang wala lang.
Masaya talaga ang pakikipagkaibigan ko sayo noon, BARAHAN dito, BARAHAN doon. Sweet ng konti, Bitter ng konti. Joke dito, asar doon. Ang saya! parang wala lang ang lahat kahit anong mangyari. KASI NGA MAGKAIBIGAN TAYO.
Hanggang sa dumating ang panahon na para tayong walkie talkie, hindi gagana ang isa ng wala ang isa. Yung tipong hindi talaga mapipigilan yung pagkakaroon ng kasabikan, hindi mabubuhay ng isang araw, pag hindi nakakausap o nakakpagmessage. GINAGAWA ANG LAHAT NG PARAAN para makapag usap. makikipag usap ng 24/7, umaga tanghali at gabi hanggang madaling araw. NAKAKAMISS. Gaya rin noon, walang nagbago, masayang kwentuhan, walang masyadong inaalala, walang alangan. BARA DITO BARA DOON. Ang sarap balikan.
Pero sabi nga nila, TIME FLIES. madaming nagbabago, madaming namimiss at madami ang hindi na din kayang ibalik. OLD TIMES, VERY GOOD OLD TIMES. Siguro nga dapat na din natin malaman na LAHAT NAGBABAGO except sa salitang PAGBABAGO.
Araw araw, naalala ko ang mga pangyayaring ang sarap balik balikan, parang yung tipong kung pwede lang HATAKIN na lang bigla para bumalik kaso hindi naman ganun kadali yun. Kaya tama nga na, LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST. Live like there's no tomorrow kasi hindi mo na kayang ulitin yung eksaktong nangyari kahapon.
Masyado ata akong umasa na magiging stable tayo noon. Yung yun na lang, palaging masaya at makulit. Hindi ko din kasi inaasahan na ganito. well, EXPECT THE UNEXPECTED. Wala naman dapat sisihin, dahil ganito talaga ang REALITY.
Isa na lang siguro ang dapat gawin, mag-ADJUST, UMINTINDI at TANGGAPIN. Siguro nga hanggang ala ala na lang ang mga yun. Hindi na maibabalik pa..
Mga ala alang naging paraan para mas makilala pa kita, mga ala ala na kailanman ay hindi malilimutan at ang mga ala ala kung saan nagsimula ang lahat ♥
0 comments :
Post a Comment