Sabi ko lang.

Thursday, April 11

Sabi ko lang.


ANG MGA BABAE at LALAKI.

(Hindi ko na kailangan pang iVideo ito, dahil marunong naman tayong magbasa (: )

Nauso ang video ng isang babae, na nagsasabi tungkol sa mga lalaki na sinundan ng sagot ng isang video pa ng isang pang babae na nagsasabi naman tungkol sa mga babae.

TAMA naman sila parehas na ang lalaki ay ganito na ang babae ay ganyan. Hindi sila pare pareho o kung anuman. Pero pare pareho tayong tao na may iba't ibang interpretasyon, perspective, paniniwala, ugali, itsura at buhay.

Pero hindi lang maintindihan kung ano ba pinupunto nila? Meron ba? Kung meron ano? Kung sino pinakamanhid? Kung sino pinakamalandi? Kung sino pinakamanloloko? Oh tapos?

Osige, sabihin na nating nagpapaliwanag sila.. pero ng ano? Kung ano ang babae at lalaki? Bakit di ka ba babae? Di ka ba lalaki? Di mo ba alam ang mga babae? Di mo ba alam ang mga lalaki?

Ito po ang tanong, REQUIREMENT bang magkaroon ng GF at BF? Mamatay ka ba pag hindi ka nanligaw? Ikamamatay mo ba kung hindi ka liligawan? Mawawalan ba ng tubig sa mundo pag di ka pinapansin ni gf/bf? Mauubos ba ang manok pag di naintindihan ng bf/gf mo yung ibig sabihin ng sinasabi mo? At iitim ba ang ngipin ng kapitbahay nyo pag NBSB o NGSB ka? :3

Baliktad o hindi, meron o wala, magkaiba o parehas o kung anuman. Tao ay tao, sila ay sila, ikaw ay ikaw, tayo ay tayo at ako ay ako. Bawat tao may kanya kanyang personality at meaning na pwedeng mabago o hindi.

Tandaan, hindi mandatory ang pag boboyfriend o pag ggirlfriend sa mga edad gaya ko, gaya mo at gaya nila ate na kakagraduate pa lang ng elementary nanghihingi na ng kiss, kaya wag masyadong intindihin o mapraning pag walang syota, wag problemahin yun.. ang problemahin mo eh kung paano aahon ang pilipinas at wag kayong atat. Kung wala eh di wala. Darating din siya in time na bibigyan tayo o sa darating na panahon at kung meron naman, wag naman maging demanding, dahil CHOICE ka lang at may kanya kanya pa rin tayong buhay, DI PA KAYO MAG ASAWA. Enjoy being single o kahit may relationship. single ka pa dn kaya enjoy lang.

Tsaka nyo na intindihin yan pag sunusuweldo na kayo xD

MAGULO BA? XD

1 comments :

Unknown said...

Agree, pag sumusweldo na kayo, then malalaman nyo kung ano ang dapat i-prioritise.