July 2013

Monday, July 29

Rewind.


Noon, nagpapalakpakan pa ang mga tenga mo sa tuwa sa bawat araw na nakikita mo siya kahit na hindi kayo pisikal na nagkikita..

Umaasang hindi lang "hanggang doon" ang relasyon niyo..

Naghihintay ng itinakdang araw na magkikita kayong may kasamang yapos ng bawat isa..

Pero dumating yung araw na.. sabi ng direktor na nasa taas.. "Hindi kayo meant to be.."

Kaya ang dating inaasahan mo, iniwan ka at nawala na parang bula dahil sa mababaw na rason.

Kaya ngayon, ang dati mong inaasahan.. napunta na sa iba.

Pero huwag kang malungkot, dapat ay matuwa ka.. dahil sabi ni Direk, bibigyan ka nya ng MAS OK na ka-love team. Maghintay ka lang. 


Para sa taong tinutukoy ko,

Salamat sa sa'yo at dumayo ka sa puso ko. Hindi man maganda ang nangyari sa pagdayo mo pero nawa'y maging masaya ka sa bago mong daungan. Patnubayan ka ng Panginoon :)

-Ako

Tiyaga at tiwala.


Madaming nagsasabing..


"SAYANG! Ang tagal niyo na.. Ang sweet nyo pa dati.. tapos mawawala na lang na parang bula.."



Nalungkot ako pero ngumiti ako at sinabing..

"Wala yan sa tagal at tamis. Pero nasa tiyaga at tiwala. Yung tipong alam mong kahit na nag aaway kayo at palaging malungkot ang nangyayari sa inyo.. Hindi sapat na dahilan yun, para iwanan ka at humanap ng iba.. pero yun yung may tiyaga kang maayos ang problema niyo kahit matagal man bago maayos at may tiwala kang magiging ok pa rin kayo sa likod ng bawat hirap.."

Oo, MASARAP MAGMAHAL pero sana matandaan natin, na hindi puro TAMIS ang mararamdaman natin. Dahil sa isang relasyon, lahat mararanasan lalo na ang PAGBABAGO. Kaya maging matiyaga at magkaroon ng tiwala sa sarili, sa kanya, sa relasyon at lalo na kay God.

Palaging pagigitnaan si LORD sa puso, buhay at relasyon ❤

Friday, July 5

Fresssssh(;


I'll consider this as my first day to step inside my HAPPY PANCAKE BOX.

Hindi ko aakalain na ito na.. sisimulan ko na ngang tunay ang paglalakbay sa loob ng panibagong chapter sa buhay ko. Ang buhay kung saan wala ang anghel na naging minsan ay kalahati ng buhay ko. Akala ko, hindi na ko makakaSurvive, medyo o.a pakinggan pero yun talaga yung feeling ko. Wala na ang mga bagay na nakasanayan kong gawin.. ang maghintay. Yun talaga ang pinakanakasanayan kong gawin araw araw, ang maghintay ng mensahe, tawag at tao. Walang araw siguro na hindi ko nakakalimutan gawin ang bagay na ito. Wala naman akong reklamo noon dahil masaya naman akong naghihintay kahit maikli talaga ang pasensya ko. Sa sobrang inaasam asam kong darating ng hinhintay ko ay nawala na lang na parang bula.


Sa totoo lang hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang dito mahahantong ang lahat. Walang naman akong pagsisisi, dahil naging masaya naman ang mga taon na yun kahit papaano at nagampanan ko din naman ang papel ko ng maayos kahit alam kong naging sablay din ako.


Malungkot at masaya, yan ang nararamdaman ko araw araw. Hindi mo ko masisisi, masyado pang fresh ang mga sugat at may araw pa din na hindi maiiwasan ang isang timba ng luha. Malungkot akong hindi ko pa rin halos matanggap at hindi ko alam kung gaano at ano ba ang naging mismong kasalanan ko para mahantong sa triple kill sakit ang nangyari. Masaya naman akong masaya na anghel ko sa ibang lugar at mas nararamdaman niya yung tuwang hindi ko naibigay sa mga panahon noong kasama ko pa siya. Masaya din ako para sa sarili ko, dahil kailangan ko.


Walang araw na may hindi nagtatanong sa akin.. "Kamusta ka na?" Posibleng sa dalawang dahilan, baka "nag aalala nga" o "naghahanap ng tiyempo para magkwento ko". Hindi ko talaga maintindihan.


Sa totoo lang, hindi ko din naman sila masisisi, alam kong madami ang naghihintay at madami ang nag abang, kumbaga sa teleserye, sila yung viewers at palaging nag aabang sa susunod na kabanata. Pero anong magagawa ko, sabi ni Direk, hindi daw yun yung ending ng teleserye namin. Nabuwag yung love team. SAYANG NAMAN! Pero madami pa naman ang posibleng mangyari, maaring sawi pa ang bida.. malay mo naman, may dadating na bagong leading man o kaya naman, They're meant to be til' the end d buuh? hindi natin alam, dahil si Direk ang nakakaalam. Excited na ko sa ending ♥


Pero sabi nga ni God, May dahilan siya kaya niya ito ginagawa sa amin, at alam kong maganda ang mga dahilan niya. At paunti unti ko ng nasisilayan :">

Salamat sa kanya, sa'yo, sa kanila at kay GOD ♥

Wednesday, July 3

BINIGWASAN ANG UTAK.


YES, FEELINGS KEEP ON COMING BACK. Kahit ano na siguro ginawa ko.. WAG LANG MAALALA. Pero the more i force myself, the more na pabalik balik.

Idagdag mo pa yung mga taong paulit ulit nagtatanong ng kung ano ang nangyari at sino yung ganito?

SA TOTOO LANG, BAKIT KAILANGAN KO PA MALAMAN KUNG SINO YUNG TAONG IPINALIT NYA SA AKIN? at BAKIT DI SIYA ANG TANUNGIN NYO? 

Nakakasawa. paulit ulit bumabalik sa utak ko. Oo, MASAKIT pa rin at GALIT ako sa ginawa nya. Pero hinahayaan ko na lang mawala.. dahil mahal ko siya at maligaya ako para sa kanya.. SAPAT na yun.


Pero, ang hiling ko lang.. sana maging sincere sya, dahil NI-KAMUSTA? Wala akong natatanggap.. pagkatapos nya ko paramdaman na WALANGHIYAIN at DINUMP NA PARANG BASURA. 

Fck! Respeto naman. BABAE AKONG NAGMAMAHAL SAYO NG LUBOS hindi KALARO NA PWEDE MO NA LANG GANYANIN. :(

SANA KUNG SERYOSO SA KANYA YUNG 2taon na yun. BIBIGYAN NYA KO NG MATINDING DAHILAN PARA BITAWAN. Hindi basta kasi ganito, kaya iiwanan na kita at hindi na kita papansinin dahil WALA NA TAYO.

Tapos after a week, MAY BAGO NA? fck the hella sheez. Ok lang skin yung palitan mo na ko.. Pero sana pinatagal mo man lang. PINATAY MO NA NGA, DOUBLE DEAD PA. Tapos tatanungin nyo ko.. KUNG BAKIT ANG BITTER KO? fckdoodlesheezpizza. 

MALAMANG! Sinong shunga ang magtatanong pa nyan kung alam mo galing sa 2yrs at pinalitan after a week? -.-

sorry, tao kasi ako, nagmahal at nasasaktan. KUNG MATURE KANG TUNAY, MARARAMDAMAN MO SITUATION KO AT MAY SYMPATHY KA. Tumatahimik ako, dahil ayoko magsimula ng drama at gulo.. dahil malamang ako lang naman ang apektado :(

Ipinagpasa Diyos ko na lang talaga ang lahat. Naging masaya ako at natanggap ko yung nangyari. MEMORIES talaga ang nagbibigwas sa utak ko.. MAHAL KO SIYA. Sana maramdaman ko na lang yung sincere bilang kakilala at kaibigan, dahil pakiramdam ko, PARANG JOKE LANG 2 years. parang nakipag-JACK EN POY. tapos iniwanan ako.. dahil TALO KO.

wala naman akong tutol sa relasyon nila.. At lalong wala akong balak agawin siya.. ang akin lang, MASAYA AKO PARA SA KANYA at MASAYA AKO PARA SA SARILI KO. mahal ako ni God at may matindi siyang dahilan kaya ito nangyari sakin. Araw araw pa rin syang kasama sa prayers ko. Sana maging mas matatag. Sana maging ok na ang lahat. GUSTO KO LANG MASETTLE.

Salamat sa mga nakakabasa nito. NaAppreciate ko na simula pa lang basahin mo ang unang salita..

Sorry, ito na lang talaga sandigan ko :(

SALAMAT SAYO AT GOD BLESS <3