Tiyaga at tiwala.

Monday, July 29

Tiyaga at tiwala.


Madaming nagsasabing..


"SAYANG! Ang tagal niyo na.. Ang sweet nyo pa dati.. tapos mawawala na lang na parang bula.."



Nalungkot ako pero ngumiti ako at sinabing..

"Wala yan sa tagal at tamis. Pero nasa tiyaga at tiwala. Yung tipong alam mong kahit na nag aaway kayo at palaging malungkot ang nangyayari sa inyo.. Hindi sapat na dahilan yun, para iwanan ka at humanap ng iba.. pero yun yung may tiyaga kang maayos ang problema niyo kahit matagal man bago maayos at may tiwala kang magiging ok pa rin kayo sa likod ng bawat hirap.."

Oo, MASARAP MAGMAHAL pero sana matandaan natin, na hindi puro TAMIS ang mararamdaman natin. Dahil sa isang relasyon, lahat mararanasan lalo na ang PAGBABAGO. Kaya maging matiyaga at magkaroon ng tiwala sa sarili, sa kanya, sa relasyon at lalo na kay God.

Palaging pagigitnaan si LORD sa puso, buhay at relasyon ❤