Rewind.

Monday, July 29

Rewind.


Noon, nagpapalakpakan pa ang mga tenga mo sa tuwa sa bawat araw na nakikita mo siya kahit na hindi kayo pisikal na nagkikita..

Umaasang hindi lang "hanggang doon" ang relasyon niyo..

Naghihintay ng itinakdang araw na magkikita kayong may kasamang yapos ng bawat isa..

Pero dumating yung araw na.. sabi ng direktor na nasa taas.. "Hindi kayo meant to be.."

Kaya ang dating inaasahan mo, iniwan ka at nawala na parang bula dahil sa mababaw na rason.

Kaya ngayon, ang dati mong inaasahan.. napunta na sa iba.

Pero huwag kang malungkot, dapat ay matuwa ka.. dahil sabi ni Direk, bibigyan ka nya ng MAS OK na ka-love team. Maghintay ka lang. 


Para sa taong tinutukoy ko,

Salamat sa sa'yo at dumayo ka sa puso ko. Hindi man maganda ang nangyari sa pagdayo mo pero nawa'y maging masaya ka sa bago mong daungan. Patnubayan ka ng Panginoon :)

-Ako

0 comments :