Monday, February 25

Tignan mo sila..


Tignan mo sila..

Ang saya saya, nagtatawanan, magkaholding hands, magkayakap at sobrang sweet.. eh TAYO? andito.. nag aaway, di magkaintindihan, magkagalit, minsan hindi pa nagpapansinan..

pero alam mo, kahit minsan lang tayo nagiging masaya ng magkasama at madalas hindi nagkakaintindihan.. masasabi kong..

AKO pa rin ang pinakamaswerteng tao sa mundo, dahil nakilala kita, nakakasama kita, naging parte ka ng buhay ko kahit palaging di maganda ang nangyayari sa ating dalawa..

masuwerte at masaya ako dahil.. andito ka pa rin, nanatili, minamahal ako, binibigyan ng mahabang pasensya, hindi ako iniiwan at kasama kong lumalaban sa mga problemang hamon ng panahon ♥

Kaya.. Sana kahit anong mangyari.. hindi ka bumitaw.. alam kong KAYA NATIN ITO. Mahal kita ♥

Tulad ng ibang babae..


Tulad ng ibang babae..

SELOSA ka din gaya nila, yung konting kibot niya lang sa ibang babae, iinit na agad ang dugo mo.

Oo, kaibigan niya sila.. at pati IKAW.. iba lang ang level mo..

Pero kahit ganon, dapat mo pa ring tandaan na nagseselos din siya gaya mo. Kaya, sana kahit anong mangyari wag mong kalimutang "Magkaibigan" lang din kayo, kaya wag sagaran ang init ng dugo mo dahil parehas lang kayo nagseselos at gumagawa ng ikaseselos ng bawat isa.

Tuesday, February 19

Alam mo yung sobrang gaan sa pakiramdam..


Alam mo yung sobrang gaan sa pakiramdam..

..na may taong minamahal ka ng lubos, kahit na malayo kayo sa isa't isa at kahit kailan di pa nagkikita sa personal..
at yung umabot na kayo ng mahigit sa isang taon sa isang relasyon, nagkaroon ng marami happy moments kahit sa magkaharap lang sa webcam at magkausap sa phone, nalagpasan ang lahat ng pagsubok sa loob ng mahigit taon, naging komportable sa isa't isa at malaki ang tiwala niya na kayo na talaga hanggang sa huli..

Ang sarap kaya sa pakiramdam na may taong magsasabing..

"Hindi kita pakakawalan, ayaw kitang mawala sa buhay ko" ♥

Promises doesn't mean "you MUST fulfill something" or "meant to be broken" .. but it means that you just have to PROVE that your words are true :)

Mahirap talaga pangunahan ang hinaharap..


Mahirap talaga pangunahan ang hinaharap..

yung sabi niya.. "Tayo na forever" pero nagbreak kami.
yung sabi niya.. "ikaw ang pakakasalan ko" pero pinagpalit niya ko
yung sabi niya.. "kahit anong mangyari hindi kita iiwan" pero iniwan ako
yung sabi niya.. "PROMISE. ikaw lang" pero niloko ako
yung sabi niya.. "hindi ako mapapagod sayo" pero ayun, nagsawa

Nakakatawa man kung iisipin mo na.. may mga ganitong salita na akala natin talagang mangyayari, pero ang totoo.. BARBER's TALK pala. Pero..

hindi lahat ng tao.. nabibigo
hindi lahat ng relasyon.. nagawawakas
hindi lahat ng pangako.. napapako
hindi lahat ng mga salitang ito.. ay baber's talk

Kaya nga sabi ko, mahirap iPredict ang future. Pero kung may tiwala kayo sa isa't isa na magagawa nyo.. TULOY NIYO LANG, may mga sagabal man, basta tandaan mo.. GOD IS ALWAYS WITH YOU♥ kahit ano ang mangyari, lahat magagawa niyo basta magtiwala ka lang sa sarili mo, sa kanya, sa relasyon nyo at kay GOD. :)

But if youre not really meant for each other.. it's God's plan & he has has a reason why. :)

Promises doesn't mean to "you MUST fulfill or "meant to be broken" .. but it means that you have to PROVE that your words are true :)

Monday, January 28

......


Sorry hindi ko na kaya, alam kong mali ako, alam kong kasalanan ko. I blame myself for everything. Masakit para sa akin at alam kong masakit din para sayo. Pero sana maintindihan mo din.

TIME. isa sa mga pinakaimportanteng bagay na hindi mawawala sa pang araw araw ng mga tao. para sa mga taga-western, LINEAR ang tingin nila dito, para sa ating mga pinoy, CIRCULAR kaya nga tayo may tinatawag na "Filipino Time" na ang totoo, present oriented ang ibig sabihin at hindi late. Palaging may "BUKAS NA LANG" habit. Sa lahat ng bagay, ito ang pinaka importante para sa akin, lalo na sa nagmamahal na gaya ko *o.a lang noh?*

Noon, sa mga past relationships ko, isa sa mga bagay ang di ko napahalagahan ang ORAS. Hindi kasi ako yng tipo ng tao na nagsspend ng time para sa isang tao. Hindi pa rin naman ako ganung ka mature para maintndhan yun. Kaya nahahantong ang lahat sa break up. Kasi daw, wala daw akong time para sa kanya. I learned a lot through my mistakes, namomotivate ko yung sarili ko.. so i promised myself, that whenever i fall in love again, ill make sure to give time for my partner. And nagawa ko nga, i never lose time for him.

On the other side of the story, Time is a drug. Too much of it kills you. And that's what i dont really expect. For me, ginagawa ko lang naman kung anu din yung mga nais mo at kung ano yung mga sinabi mo sa akin, hindi ko makakalimutan yung mga bagay na sinabi mo tungkol sa mga yun, kung magbibitaw man sana ng salita, sana sinabi na lang sakin na hanggang salita lang yung mga yun.

Let me tell some of what im talking about.

Sabi ko sayo dati, kailangan mo din ng "ME TIME" yun bang oras para sa sarili mo, hindi puro "US TIME" kasi alam ko din naman na nais mo din ng oras para sa sarili mo. Hindi ko masyadong maalala yung exact words pero ang sabi mo sa akin, mas gusto mo ang "US TIME" at yung "ME TIME" mo ay para sa ating dalawa, at yung "ME TIME" ko ay para sa akin lang. It's unfair right? then sabi ko sayo, Hindi, dapat yung "ME TIME" mo sayo lang, pero kumontra ka pa rin. Im just asking for some, hindi ako humingi ng sobra. Binigay mo sakin yun. I spend my whole time for you din naman, im thankful that you still give me chance to spend on my own. you're giving din naman yung buong time mo sa akin. You even change your body clock para sakin, do you think i want you to do that every time you had your free time? NO. concern din naman ako sayo, at ayokong nagppuyat ka at nagpapalit ng body clock para sakin. but i appreciated everything you've done. I also want to give your time on your own. di ko alam kung bakit at anu ba nagawa ko na parang pinaramdam mo sa akin na hindi ko nabigay sayo yun. 

SPACE. sa lahat ng bagay kailangan yan, para sa tao, bagay, hayop, words, sentences, at kahit ma-paragraph pa.

Kahit sino namang tao, kailangan ng space para makahinga, makagalaw ng maayos, at para maiwasan ang masakal. Sa tingin ko lang, may iba't ibang klase ng perspective kung paano maipapaliwanag ng isang tao ang SPACE para sa kanya. Kung ako ang tatanungin mo, yung SPACE yun yung isang lugar kung saan walang laman na pwede mong hayaang ganun o punuin ito dipende sa gusto mo.

Magulo pala ko magpaliwanag.

Malalaman mo namang sakal ka na kung di mo na kaya yung mga nangyayari sa paligid mo o kaya sawa ka na o kaya hindi mo na ma-take. wala naman akong masasabi tungkol dito, you have your own space, i have my own. Kaso sa tingin ko, sa mga sinabi mo sa akin, naging demanding ako, kaya siguro "nasakal kita". Ok sabihin nating hindi kita nasakal pero, parang pinagdamot ko sayo yung space mo. I always give you time to do your own thing, homeworks, projects, family time, friends or whatever.

Naintindhan ko din naman kung minsan, hindi mo na ko mamessage or matext or matawagan for some reasons. Siguro kaya ako nagtatampo dahil na din nasanay ako na dapat ganito, dapat ganyan.

Pag sinasabi ko sayo na, "sige gawin mo muna po yung hw mo, baka nakakaistorbo ako" hindi mo nagugustuhan, instead nagiging negative yung thought ko na.. ayaw kita kausapin or what. Gusto ko lang naman din na makapag focus ka sa ginagawa mo.

Sige, aaminin ko, sumosobra ako, nagiging madamot at masama. Wala na naman akong masasabi pa kung hindi, ako nga may kasalanan.




Marami pa kong nais sabihin, kaso ayokong magsiwalat ng husto at baka hindi mo magustuhan. kung hindi ko maintindihan yung side mo, sana pinaintindi mo sa akin. Alam kong iniisip mo na hindi agad kita maintindihan at maiiba ang interpret ko pag sinabi mo sakin pero MASAKIT eh. Yung tinago mo sa akin yung sama ng loob mo. Mas masakit pa yung hindi mo dinidiretso sakin. Nangako kang sasabihin mo sakin lahat, pero iniisip mo yung iisipin ko. Wala akong pakialam kung maliit or walang kwenta man yun.

Alam kong ayaw mo ng drama, ayaw mo kong umiiyak at alam nating dun hahantung yun. Aangkinin ko na yung pagkakamali ko, nawawalan din ako ng pride at wala akong pakialam kung may maihaharap pa ko o wala. Mahaba na rin ang pasensya ko sa sarili ko at sayo, at hindi ako nagsasawa dun. Basta ang akin lang, kahit gaano pa ko maging tanga at maging o.a sa harap nila, basta ang alam ko sa sarili ko, MAHAL KITA at hindi magbabago yun.

Sana next time, sasabihin mo na sa akin. Huwag ka mag alala, iintindihin ko at pagbibigyan kita. wala ng demand, wala ng paulit ulit, wala ng immature, iiwasan kong umiyak, iiwasan ko ang drama, iiwasan ko din ang magtanong, wag ka mag alala tatahimik na lang din ako para hindi ka na marindihan.. basta hahayaan kita, i will give your ME TIME, di na kita pipilitin. titiisin ko. wag ka lang mawala sa akin, masasanay din ako.

Sorry if im not the one you think i am. Sorry if NEVER akong naging perfect. Sorry if you think I NEVER UNDERSTAND anything. I love you.

Wednesday, April 18

NEW PINOY TERMS (:




trending topic (:

  • TO WAITER
-Isang uri ng social network site na pwede kang magfollow at mag-to wait.

  • SURVEY TEST
-Yung tagalog ng ICE CREAM.

  • TIMELINE
-Malungkot o walang sigla.. "Bakit ang TIMELINE mo?"

  • I SCREAM
-eto yung tinatawag nilang sorbetes.

  • FOLLOWED
-Ang sasabihin mo sa tindera ng load.

  • FEARFUL
-ung isa pang tawag sa color violet.

  • KOREAN TEA
-Yan yung nawawala pag nag- brown out.

  • A TRUST
-yung lalakad ng pabalik at kabaliktaran ng abante.

  • MAKE DOUGH
-Kalaban ng Jollibee.

  • LAUGH IS
-Yan yung ginagamit pang sulat.

  • TWO WHILE YEAH
-Yung ginagamit after maligo.

  • SICK RATE
-Mga bagay na hindi mo maaring sabihin sa iba.

  • SI BEN 11
-yung convenience store kung san ka bumibili ng slurpee.


  • SHE FEEL YOU
-Yan yung gamit mo pangtotoothbrush.

  • PERSUADING
-Ito yung unang kasal.

  • VAIN TEA
-Yan ang presyo ng Cornetto.

  • GRABE TEH!
-Is the force that causes two particles to pull towards each other.

  • LOW FEET
-Sinasabi kapag nakakita ng astig na pangyayari o bagay. Ang Low Feet!

  • DEDUCT
-Ang Pato.

  • CHECK IN
-Kadalasang ginagawang adobo at afritada. English term ng Manok.

  • DUE CARE 
-Kalaban ni Batman.

  • SHE KISS
-Dyan makakabili ng pizza. Kalaban ng Pizza Hut.

  •  DEPRESS
-Yan yung English term ng "Ang Pari".

  • HAVE A
-Yan yung sinasabi kapag maganda at benta yung joke.

  • MALICIOUS
-Yung mali yung nasuot mong sapatos.

  • MY DOLL 
-Yan yung tinatanggap ng mga matatalinong mag-aaral.

  • THE VALUE
-Yung susunod sa letrang "V".

  • CALL THERE OH! 
-Yung gamit sa pagluluto ng kanin.

  • LOVE BEEN THERE 
-Favorite color ko. Light color ng violet

  • STD 
-Yung hindi ka gagalaw.

  • FAUCET 
-Isang uri ng lamang dagat na may galamay.

  • IN SEX
-Example nito ay ants, bees, bugs etc

  • SHE CAN 
-English term ng manok.

  • CITY
-Ito ay bago mag-Otsu. City.

  • A LIE 
-Sinasabi ng mga Chinese kapag nasasaktan.

  • LOVING A NAME
-Yan yung kasunod sa Labinlima.

  • TO WAIT 
-tunog na nililikha ng ibon. To wait, to wait.

  • INNER ROW 
-Yan yung kasunod ng Pebrerow, Marsow, Abril, Mayow.

  • THE EGG 
-Kapag mag magaling siya sa iyo. The Egg ka niya.

  • CONTEMPLATE 
-Kapag hindi ganun karami ang mga plato sa kusina niyo. Contemplate.

  • COCONUT
-Yan ang mangyayari sa chicharong nakabukas ng matagal.

  • EFFORT 
-Dito lumalapag ang airplane.

  • COPY PASTE BOOK
-Kapag sobra ka sa pagpeFACEBOOK, sasabihin sayo ng nanay mo "Itigil mo na nga yang Copy Paste Book Mo!"



LOL.AYOS BA? :D
(credits to the people from twitter specially @akoposimarcelo :D)

follow me at @chiyolimited (:

KThanksBye♥

Sunday, January 8

Masama ba?


"KAPAG INATAKE KA NG SELOS, KIKITID AT KIKITID ANG UTAK MO"

MASAMA BA ANG MAGSELOS? OO o HINDI? KUNG OO, MAPIPIGILAN MO? PERO.. HINDI NAMAN DI BA? NORMAL LANG NAMAN YUN SA ISANG TAO EH.. YUN NGA LANG NAGIGING ABNORMAL PAG SUMOSOBRA, YUNG PARA BANG SASABOG NA SYA SA GALIT DAIG PA ANG BULKAN NA SASABOG DAHIL SA FEELING NA PARANG PINAGKAKAITAN NG BUONG MUNDO.. ALAM MO YUN? KUHA MO? *SANA OO*


ANO NGA BA ANG "SELOS"?

SABI NI WIKIPEDIA: "Ang panibugho, pagseselos, o selos (Ingles: jealousy, maaari ring possessiveness), ay ang pagsususpetsa o pagiging palabintangin, mapaghinala, o mapagsapantaha sa pagkakaroon ng mga karibal, kaagawan, o kalaban para sa pag-ibig, pagmamahal, o pagkagusto ng ibang tao. Maaari rin itong pagkadarama ng mapagtanim ng sama ng loob na may pagkainggit dahil sa pananagumpay ng ibang tao, kaya't – sa ganitong diwa – nagiging katumbas din ang paninibugho ng inggit o pangingimbulo; at nagiging katumbas din ng pagkamakasarili." (WOW! LALIM, NOSE BLEED O___O HAHAHAHA)

ANO SA TINGIN MO? PALABINTANGIN? MAPAGHINALA? KALABAN SA PAG IBIG? MAPAGTANIM NG SAMA NG LOOB NA MAY PAGKAINGGIT? PAGKAMAKASARILI? -- ANO BA IPINAGLALABAN NI WIKIPEDIA? HAAAY.. PARA NAMAN ANG SAMA SAMA NG UGALI o NAGMUMUKANG KONTRABIDA ANG ISANG TAO PAG NAGSESELOS.. HINDI BA.. EMOSYON LANG YUN? SIGURO PWEDE AKO SUMANG AYON SA "MAPAGTANIM NG SAMA NG LOOB NA MAY PAGKAINGGIT". 

ANG SIMPLENG LIMANG LETRANG ITO *S-E-L-O-S* AY NAGIGING UGAT NG ILANG RELASYON NA HINDI NAGTATAGUMPAY O HINDI NAGKAKASUNDO, HINDI LANG SA MGA MAY KASINTAHAN PERO PATI NA DIN SA MGA MAGKAKAMAG-ANAK O PAMILYA O KAHIT MAGKAKAIBIGAN. NAGTATANIM NG SAMA NG LOOB NA MAY PAGKAINGGIT, MASAKIT TALAGA MAGTAGO NG MASAMANG SALOOBIN, MAHIRAP KIMKIMIN, MAHIRAP DIN NAMAN ISIWALAT, DAHIL HINDI MO ALAM KUNG SINO ANG MAAPEKTUHAN... PERO MAS MAHIRAP NAMAN KUNG MAKAKARAMDAM KA NG INGGIT KASI SIGURADONG MAKAKARAMDAM KA NG SOBRANG PAGKAYAMOT, DAHIL AKALA MO HINDI KA NAGKAROON O HINDI MO NARANASAN YUNG GANON KLASE NG BAGAY O BUHAY.

AT HINDI NAMAN AKO SANG-AYON SA "PAGKAMAKASARILI"

"PAG BA NAGSESELOS NA ANG ISANG TAO, MAKASARILI NA AGAD?




HINDI BA PWEDENG AYAW LANG NIYA, MAAGAW NG IBA?" (:

TAMA o TAMA? AY! ANO PLA... TAMA O MALI? :)
PARANG POSITIBO ANG PAGIGING "MAKASARILI" SA ISANG MAGKASINTAHANG RELASYON.. PERO DOON LANG (: PERO MASAMA PA DIN ANG SOBRA.. YUNG TIPO BANG  PATI MGA KAIBIGAN MO PAGSESELOSAN NIYA? SOBRA YUN WAH! PERO DIPENDE DIN NAMAN SIGURO, KASI MINSAN, NAWAWALAN KA NA NG ORAS SA KASINTAHAN MO AT HALOS BUONG ARAW, KAPIT KA SA KAIBIGAN MO. MASAKIT YUN SYEMPRE! NAKIPAGRELASYON KA PA? KUNG DI MO SIYA PAGTUTUUNAN NG PANSIN, ANO SIYA? DISPLAY? HAHAHAHAHA xD HINDI NAMAN SA SINASABI KONG DAPAT LAHAT NG ORAS MO SA KASINTAHAN MO.. DUDE! PANTAY LANG DAPAT ^___^\/ MERON PARA SA KANILA, SA KANYA AT SAYO (: PERO SIYEMPRE MAS MAGANDA NAMAN SIGURO, KUNG HIHIGIT PA ANG SA KANYA AT SAYO.. *ANG GULO KO PALA MAG EXPLAIN* GETS MO BA? ((: HAHAHAHA PASENSYA NA


ETO MATINDI EH.. 

YUNG MGA TAONG NAGHAHANAP PA LANG NG PAG IBIG? O YUN BANG SAGAD SAGAD MAGSELOS PERO HINDI NAMAN MAGKASINTAHAN ((: *SORRY SA TATAMAAN* WAG KAYO MAG ALALA DUMAAN DIN AKO DYAN.

DI BA MASAKLAP YUN? NAGSESELOS KA PERO WALA KA NAMAN KARAPATAN MAGALIT KASI WALA NAMAN KAYONG RELASYON. SO Y SELOS? :P
MAS OK NA NGA NA KIMKIMIN MO NA LANG SA LOOB MO, KAYA LANG INGAT KA, BAKA SUMABOG KA, MAARING MAKASAKIT NG DAMDAMIN NG IBA, HINDI MO MAN INTENSYON PERO POSIBLE YUN, DAHIL MAARI KANG MAWALAN NG KONTROL. ETO LANG MASASABI KO, OK LANG NAMAN NA MAGSELOS EH, BASTA BA NASA LUGAR KA AT ALAM MO ANG LIMITASYON MO ((:


ISA PANG MATINDI...

YUNG MGA TAONG NAGSESELOS SA MGA BAGONG KASINTAHAN NG EX-BF/GF NILA? O YUNG MGA TAONG NAGSESELOS SA EX-BF/GF NG KASINTAHAN NILA? ((: *HAHAHAHA WAKOMASABI*

NORMAL? OO XD ABNORMAL? PAG O.A NA XD

YUNG MGA TAONG NAGSESELOS SA MGA BAGONG KASINTAHAN NG EX-BF/GF NILA -- BITTER KA? HAHAHA HINDI MAKA-MOVE ON? SUS! ANO KA BA? HINDI LANG SYA BABAE O LALAKI SA MUNDO NOH? THERE ARE SO MANY FISHES IN THE SEA ((: PERO ANO NGA BA MAGAGAWA MO? NAGSESELOS KA, NORMAL LANG YUN, BASTA IBIG SABIHIN.. BITTER KA! (: PERO ALALAHANIN MO, KUNG IKAW, SIYA LANG ANG TAONG MINAMAHAL MO.. MAALALA MO DIN SANA NA MADAMING TAO NA NAGMAMAHAL SAYO (:

AT YUNG MGA TAONG NAGSESELOS SA EX-BF/GF NG KASINTAHAN NILA -- UHH? HELLO? IKAW NA KAYA ANG PINILI NIYA, IKAW NA ANG MINAHAL NIYA. MAMAHALIN KA BA NIYA KUNG MAHAL NIYA PA YUNG UNA? DI BA, HINDI? SO Y SELOS?
PERO, OK LANG YUN.. NORMAL NAMAN YUN EH, ANO BA MAGAGAWA MO? MARAMI KANG "WHAT IF?" SA ISIP MO, KAYA NATATAKOT KA DIN DAHIL POSIBLENG MANGYARI NA BAKA MAMAYA, BUKAS O SA SUSUNOD NA MGA ARAW O BASTA KUNG KELAN MAN, MAISIPAN NIYA NA BUMALIK AT IWANAN KA. WAG KA MAG ALALA, PERO SA TINGIN KO, *SA TINGIN KO LANG NAMAN* KONTI NA LANG ANG GANYAN AT ANG NATITIRA AYAW NILA MAGING "TANGABELLS" ULIT *OOPSY! SORRY SA TERM* 


MERON PA BA? ((: 

PAANO NGA BA MAGSELOS ANG MGA BABAE AT ANG MGA LALAKI? ANO PINAG KAIBA NILA? HAHAHAHA NAKITA NIYO NAMAN SIGURO SA LARAWAN SA KALIWA? ((: 

PAG ANG LALAKI NAGSELOS -- MINSAN DAW NAG IIBA ANG UGALI NITO, HALIMBAWA, NAKIKIPAG USAP YUNG GF NYA SA IBANG LALAKI, BIGLA BIGLA ITONG TATAHIMIK. ISA PA, PAG DAW ANG LALAKING NAGSESELOS, "CUTE" TIGNAN :') AT IBIG SABIHIN NITO, MAHAL NA MAHAL KA NIYA TALAGA, AT HINDI NIYA KAYANG MAAGAW KA NG IBA.

PAG ANG BABAE NAGSELOS -- GAYA NG MGA LALAKI, TATAHIMIK NA LANG DIN ITO BASTA BASTA, AT MAG SUSUNGIT *NOT ALL*. HALIMBAWA NAKITA NIYA NA KUNG SINO SINONG BABAE ANG KINAKAUSAP NG BF NIYA. BIGLA ITO TATAHIMIK, AT PAG TINANONG MO KUNG "NAGSESELOS KA BA?" SASAGOT ITO NG "HINDI" PERO PAG NILAMBING MO, BABANATAN KA NG "DOON KA NA SA MGA BABAE MO, MAGSAMA KAYO" -- HAHAHAHA GRABE! XD AT KUNG MINSAN KUNG MAGSELOS ANG ISANG BABAE, MERON SILANG TALENT NA MAGING ISANG DETECTIVE GAYA NI SHERLOCK HOLMES AT DETECTIVE CONAN AT DAIG PA ANG FBI KUNG MAG IMBESTIGA AT MAGHANAP NG CLUES. AT ANG MALALA PAGNAGSELOS ANG BABAE, ASAHAN MO, MAGKAKAROON NG WORLD WAR 4. PERO KAHIT GANYAN ANG MGA BABAE IBIG SABIHIN DIN NYAN, MAHAL NA MAHAL KA NIYA AT TAKOT SIYANG MAWALA KA.

______________________________________________________________________

NORMAL LANG NAMAN ANG MAG-SELOS, WALA NAMAN MASAMA KUNG GANITO ANG NARARAMDAMAN, PERO KUNG MINSAN ABNORMAL AT MASAMA, DAHIL PAG HINDI MO ITO MAKONTROL BAKA MAKASAKIT NG IBANG TAO. PARA MAIWASAN MAGING ABNORMAL, ALALAHANIN MO ANG LIMITASYON MO AT ILAGAY SA LUGAR ANG PAGSESELOS (:

pero tandaan mo..


"Selos ang nagpapatunay na ayaw kang mawala ng isang tao."



Share langss (:

Sunday, December 11

LDR (:



Ano ang "LDR"? ang ibig sabihin nito ay Long Distance Relationship, ano naman ang ibig sabihin nito? Ito ay isang klase ng relasyon kung saan may dalawang taong nagmamahalan na malayo sa isa't isa. Matindi ang hinaharap ng mga taong nasa ganitong kalagayan, DISTANSYA/DISTANCE ang matindi nilang kalaban, pero hindi lang basta distansya, isang MALAYONG DISTANSYA o LONG DISTANCE, hindi lang basta basta metro o kilometro ang layo, kung hindi, daan o libong milya.

Isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa isang tao ay kapag kasama niya ang taong minamahal niya. Nararamdaman mo ang presensya nya dahil nasa tabi mo lang siya. Kung minsan pa nga, kahit isang kanto lang ang layo niyo sa isa't isa, at minsan lang magkita ng personalan pero kahit kelan, posibleng magkita pa rin kahit anong araw o oras pero hindi mo pa rin maiiwasan mamiss ang taong mahal mo dahil wala siya sa tabi mo. Paano pa kaya ang mga nasa LDR? di ba mas mahirap? daan o libong milya ang layo, ilang bundok at ilang dagat o ilog ang pagitan at bihirang bihirang magkita, kung minsan taon pa ang aabutin bago kayo magkitang muli. Mas lalo mong namimiss ang taong mahal mo, dahil hindi mo siya palaging nakakasama. At kung minsan, ang sarap humiling na sana... may super powers ako, sana... makalipad ako, at sana... makapagteleport ako, makapunta lang sayo.


Madami sa mga nasa LDR, nakakaSurvive, nagtitiis, at naghihintay. At dahil nasa cyber age tayo ngayon, madaming paraan para makausap mo pa rin ang taong mahal mo kahit na malayo siya sayo. Text or Call/ Chat or Video Call, ibang klase talaga ang teknolohiya. Pero kahit na may mga ganitong klase ng paraan, iba pa din yung pakiramdam na gusto mo siya makita sa personal, yung tipong magddate kayo sa theme parks o restaurants, yung makakapagHHWW kayo na pa-sway sway pa, yung mayayakap mo siya ng mahigpit at makakasama ng masaya at maayos, hindi ba ang sarap ng ganon? 

Pero huwag kang mag alala, hindi naman puro kalungkutan ang love story ng mga LDR. Siyempre, may mga magagandang bagay ang dulot ng pagiging malayo niyo sa isa't isa (THINK POSITIVE). Isa sa dahilan kung bakit madaming relasyon ang natatapos.. ay dahil sa nagkakasawaan. sa mga LDR, yan ang hindi nila minsan nararamdaman, dahil kasabikan ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Naghihintay sa araw na magkakakasama muli, naeexcite ba! Nagiging STRONG ang TRUST and LOVE (hindi ko alam kung lahat ganito) pero sa pagkakaalam ko, madami ang nagtatagal dahil malaki ang tiwala ang nila sa isa't isa, at nagiging matibay ang pagmamahalan, dahil sabay silang lumalaban sa pagsubok na dala ng LDR. Isa pa, nagiging daan ito upang mapagtibay ang pagpapasensya ng taong naghihintay.

Hindi lahat ng nasa LDR, nakakasurvive, may ilan natatapos, hindi nalabanan ang distansya at hindi nakakaya ang sakit. Ang ilan hindi kinaya ang paghihintay at napapagod dahil sa tagal, ang ilan naman nakukulangan dahil hindi nila maramdaman ang presensya ng taong mahal nila, kaya nagsasawa at naghahanap ng kalinga ng bagong pagmamahal sa iba kaya nawawala ang tiwala sa isa't isa at humihina ang pagmamahalan. Kung minsan, gaya ng normal na relasyon, may mga hindi nagkakaintindihan o nagkakaunawaan dahil sa parehas nilang nararamdaman, nadadaan ang lahat sa galit, nag aaway at hindi makapagpatawaran kaya natatapos ang lahat at nauuwi sa wala.


Marami na akong kakilala at nasaksihan na nasa ganitong klase ng sitwasyon, at isa na ako doon. Aaminin ko.. Mahirap talaga. Mahirap kasi malayo siya sayo, hindi mo siya nakakasama o nakikita, hindi mo alam kung ayos lang siya, hindi mo siya maalagaan ng maayos, hindi mo maiparamdam kung gaano mo siya kamahal. Sa lahat ng nasaksihan ko, malungkot ang ending, dahil  madami din ang hindi kinakaya ang layo ng distansya at kahit papaano madami pa rin ang nasa happy ending dahil may nagtatagumpay pa din, big achievement nga kung tutuusin, parang nanalo sa lotto, dahil pagkatapos ng lahat ng paghihirap na pinadaanan, matinding saya naman ang kapalit nito, kapag nakasama mo na muli ang taong minamahal mo. Kung minsan talaga nakakatakot pumasok sa ganitong klase ng relasyon, pero ako, natakot man ako, hindi ko pa rin ito tinalikuran, naging matatag pa nga ako. Hindi ako nagsisi o naghihinayang kasi, PINILI at GUSTO ko ito, kaya paninindigan ko ito at aabutin ko ang ninanais ko kung bakit ko ito pinili at iyon ay ang MAKASAMA KO ANG TAONG MAHAL KO♥

Kaya sa mga nasa Long Distance Relationship,
KAYANG KAYA NATIN ITO! TIWALA LANG! MAKAKASAMA MO DIN SIYA ♥ (:
"Love finds a way" -- Maging matatag sa lahat ng problema at pagsubok dahil hindi hadlang ang distansya para sa dalawang taong lubos na nagmamahalan. "Don't measure the distance, measure the love" FIGHT! (:


Time and distance don't mean anything when you know you will embrace and hold each other again♥

Friday, December 9

Loving the Most Unexpected Person in Your Life (:



SURPRISE! -- Minsan, naiinlove tayo sa kaibigan, kaklase, kapitbahay, kakilala sa isang lugar, at sa STRANGER. Sabi nga nila, EXPECT THE UNEXPECTED -- Hindi mo alam na yan palang kamurahan mo sa eskwela, eh magiging kamahalan mo, o di kaya, yang taong hindi mo pinapansin at kinakausap, eh yung taong magiging bukang bibig mo.
"we always fall in love with the most unexpected person" -- lagi naman ganito eh, di ba? pero BAKIT? siguro, kasi nga si God ang nagsusulat ng love story natin, at lagi siyang may surprise para sa atin na pwede natin ikasaya o ikalungkot. UNEXPECTED nga eh!
Sample? (:


"IM LUCKY IM IN LOVE WITH MY BESTFRIEND" -- Madami ang nasa ganitong sitwasyon.. Hindi mo expect na yan palang.. si BESTFRIEND ang makakatuluyan mo.. "Why is it we always fall for our best friends? Is it because we know we can trust them? Is it because we know them so well? Is it because of the way they know exactly whats going on in our heads? Or is it because they are there any day, anytime, anywhere without the promise of kisses, intimate touches or whispered sentiments of love? I think we love them because they are there when there is nothing in it for them except for that little glimmer of hope that maybe someday there will be." (nakuha ko lang ito kung saang lupalop ng internet) -- inferness, TAMA ang sabi niya, dahil mas maiintindihan ka ng bestfriend mo at mas alam nya kung sino ka, ano ka, at kung ano ang ayaw at gusto mo. Siya ba yung tipong pag sad ka, alam nya kung ano magpapasaya sayo, at yung tipong pag may topak ka, pati siya sasali para parehas kayo may topak! XD pero aminin mo, totoo yan. Eh paano nga ba tayo nagkakaroon ng BEST FRIEND? di ba kasi, parehas kayo ng gusto, masaya ka pag kasama mo siya, nagkakaintindihan kayo kasi parehas nga kayo may topak, at comfortable kayo sa isa't isa. Eh paano naman ba naiinlove ang isang tao? dahil gusto niya ito? dahil crush mo siya? eh di ba kasi MASAYA KA PAG KAPILING MO SIYA (: at yung nagkakaintindihan kayo kahit nagtititigan lang kayo, yung tipong kahit ngiti lang nya, masaya ka na.
"There's nothing as nice as someone who shares your laughter, your secrets, your wishes and cares, someone who's there through you good times and to catch all your tears."

"OPPOSITE DO ATTRACT"-- naalala ko ang kanta ni juris.. "I wanna go right, you'd rather go left, I wanna go fight, you'd rather be quiet..." -- Para lang yang Law Of Attraction, yung dalawang magnet, na may South Pole and North Pole sa bawat dulo.. pag pinag dikit mo SP ng isa at NP ng isa ng magnet, automatic nagdidikit sila. Lets compare to love, ang sabi ng iba, madami sa mga nagkakatuluyan o nagiging lovers ay sa kadahilanan na parehas sila sa ilang bagay o parehas sila ng gusto o ayaw at ang sabi din nila, imposible naman daw magkatuluyan ang mga may pagkakaiba dahil hindi sila magkakasundo. Pero, bakit mas marami ata ang nagakakatuluyan kahit magkaiba sila? like, isang hearthrob ay nainlove sa isang nerd o kaya ang isang mala-Anghel na babae ay nainlove sa isang chickboy. Ano iniisip ng iba? IMPOSIBLE! Hindi ba UNEXPECTED? May natagpuan akong sagot galing sa kung sinong taong sumagot sa internet.. ang sabi niya.. "People are attracted to there opposites for a few reasons, but the main reason is because they are just looking (subconciously) for qualities that they dont have." -- Its like the YIN and YANG, it is used to describe how polar opposites or seemingly contrary forces are interconnected and interdependent in the natural world. Pero hindi mo pa rin aakalain na kahit meron silang different personalities, nagkakaintindihan sila. Malay mo yan palang taong hindi mo maintindihan, ang magpapaintindi sayo sa huli (:

"STRANGERS IN LOVE" -- Malay mo nakita mo na siya, pero hindi pa nagtatagpo ang landas niyo. Patuloy mong hinahanap ang taong magpapatibok ng puso mo, patuloy kang nagmamahal at nasasaktan pero hindi mo akalain na isang estranghero pala ang makakatuluyan mo sa huli. Madami na ang nakakaranas ng ganito, yung tipong hindi mo akalain na yung tao palang nakabunggo kanina habang pasakay ka sa jeep, ay ang taong makakasama mo sa pagpara ng "Ma, bayad po dalawang senior.." Noong bata pa tayo, palaging pinapaalala sa atin ng mga magulang natin.. "DON'T TALK TO STRANGERS" -- bakit nga ba ito lagi pinapaalala sa atin? dahil delikado na ang mga tao ngayon kasi WILD sila? o baka daw kasi makidnap tayo? SIGURO nga.. BAKA MAKIDNAP tayo..hindi mo nga din akalain na nakidnap ka ng isang estranghero.. NAKIDNAP ANG PUSO MO (:
"When I first saw you I was afraid to talk to you. When I first talked to you I was afraid to like you. When I first liked you I was afraid to love you.Now that I love you I'm afraid to lose you."



"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa" -- NAALALA MO BA ITO? (: -- Maybe there are no right moments, right guys, right answers, maybe sometimes you just have to say whats in your heart. Maraming SURPRISES sa buhay natin. -- Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control -- we create our own destiny.. Kaya kung single ka pa... ITS YOUR CHOICE. "Every time God creates a soul in heaven, he creates another to be its special mate. And that once we're born we begin to search for our soul mate, the one person who's the perfect fit for our match."-- Sinusulat lang ni God ang love story mo, pero hindi niya kinokontrol ang love life mo, pero ginagabayan ka niya sa paglalakbay mo. Kaya kung naghihintay ka na dumating si Mr. Right o Ms. Perfect.. wag ka lang tumunganga dyan.. KUMILOS KA! (: its your love life at ikaw ang MAIN AUTHOR, ikaw ang EDITOR at ikaw ang BIDA.♥ Ikaw man ang gumawa may mga pangyayari pa rin na hindi mo inaasahan. "Sometimes you meet someone and before you know their name, before you know where they are from, you know that sometime in the future this person is going to mean something to you."