Friday, June 28

Best ways to forget. (the Chichiritchit way)


1. HUGASAN ANG UTAK.

Paano? Maligo ka at tumawa ka ng tumawa sa nangyari. Kumanta ka ng kumanta. Sumayaw ka ng sumayaw. XD

2. BALIKTARIN MO ANG SIKMURA MO.

Paano? Basahin mo lahat ng convo nyo noon. asarin mo sarili mo. Tiyak babaliktad sikmura mo sa asar. sagaran! XD

3. KAUSAPIN LAHAT NG ALIEN.

Paano? Kausapin mo lahat ng baliw mong kaibigan. YUNG SABOG ah? Tapos guluhin mo yung buhay. XD

4. REFLECTION

Paano? Tingin ka sa salamin. Tapos sigawan mo.. "SHUNGA KA!" Tapos bulungan mo.. "MINAHAL KO KASI NG SOBRA" Tapos sigaw ka ulit.. "SHUNGA MO" tapos bulungan mo "PINAGPALIT KA" tapos sigaw ka ulit "SHUNGA MO!"

ps: kayo na bahala sa mga isisigaw at ibubulong.

5. ANG KISAME.

Paano? Titigan ang kisame, tiyak na ikaw ay maiinspire sa wala. Tapos iiyak ka na lang bigla lol XD

6. PRAYER.

Paano? Kausapin mo lang si God araw araw o gabi gabi <3 Sabihin mo lahat ng problema mo at ipagdasal mo yung mga taong nanakit sayo. Magpromise ka sa kanya na wala kang gagawing masama sa kanila at pagdadasal mo ang ikabubuti niya o nila. MAHAL KA NI GOD. Lahat ng hiling mo tutuparin niya at tutulungan ka niya makalimutan mo ang lahat ng sakit. TIWALA LANG.



TRY NYO KUNG EFFECTIVE SA INYO. GAWAIN KO ITO ARAW ARAW :)

Friday, June 21

AKO.


ISANG DAKILANG TANGA.

Iyan ang tingin nila sa akin. Oo, aaminin ko.. madaming beses akong nasaktan at kahit hanggang ngayon.. nasasaktan pa rin ako.

Pero, sa isip ko.. SIYA pa rin ang gusto ko. SIYA pa rin ang nais ko. SANA SIYA pa rin hanggang dulo. Iniwan niya ko, hindi ko tanggap. Masakit pa rin. Pero wala akong balak kalimutan siya..

Hindi ko alam kung anong meron sa  anya na naging dahilan kaya.. "Siya pa rin talaga forever" ang pangarap ko.

Siguro nga naiwan na nya din ako.
Siguro.. nagmomove on na sya.
Siguro.. kinakalimutan na nya ko.
Siguro.. di na nya ko namimiss..
Siguro di na nya ko mahal..

pero ako, ito.. namamatay sa pagtitiis.

oo, oa. pero hindi ko din talaga.alam kung bakit ako ganito sa kanya.. yung sana malaman nya kung gaano ko na sya kamiss.. at kung gaano ka pa rin sya gustong maging buhay ko, siya pa rin ang pangarap. siya ang panginip. siya pa rin.

kahit alam kong impossible na din mabalik ang "tayo" at impossibleng bumalik sya sa buhay ko.. patuloy pa din ako magdadasal, hihiling at mangangarap..

dahil MAHAL ko talaga siya.

Wednesday, June 19

Less than 3.


Para sa'yo,

"Sa bawat bagay na nasa paligid ko, may kinalaman sa'yo. Sa lahat ng nakakasalamuha ko, ikaw ang tinatanong. Hanggang sa pagpikit ng aking mga mata, ikaw pa rin ang nakikita sa ibang mundo. At muli sa paggising, walang pagbabago.. IKAW PA RIN..."

Andoon pa rin lahat ng plano, andito pa rin ang mga litrato at basta lahat ng bagay na nagpapaalala sayo..

Paulit ulit pinapanood lahat ng kakulitan mo.
Paulit ulit tinititigan ang mga litratong naging masaya ka sa piling ko.
Paulit ulit pinakikinggan ang mga kantang inialay mo sa akin.
Pabalik balik sa profile mo.

at patuloy na nag iisip sa kung ano na ang pwedeng mangyari na may kasamang masakit na ngiti at namumugtong luha.

Oo, aaminin ko.. HINDI KO PA RIN LUBOS NA TANGGAP na hindi na kitang maaring tawaging "babe", hindi na kita masabihan ng iloveyou dahil alam kong di ka sasagot pabalik, yung makalambingan, yung makakulitan at makaharutan, at yung umayaw ka na at INIWAN MO NA KO.

Siguro sa ngayon, nagsisimula ka ng magMove on.. siguro, nakakalimutan mo na ko.. siguro, naging maginhawa na ang buhay mo.. siguro, tanggap mo na.. siguro, sanay ka na.. at siguro, masaya ka na ng wala ako..

Sa totoo lang, gusto ko talaga bumalik sa nakaraan at wag ng bumalik sa kasalukuyan. Kung pwede lang na hindi na magising mula sa panaginip na kasama ka, siguro tulog pa rin ako hanggang ngayon.

Ang dami nilang tanong at ang dami nilang sinasabi pero hindi ako nakikinig. Dapat daw ganito, dapat ganyan.. di madali, mahirap tanggapin at hindi alam ang buong nangyari.. at dahil patuloy na tumatatak sa isip ko lahat ng sinabi mo.. na may tiwala at patuloy na umaasa kahit na may 99% impossibility. 

Masakit? Oo, sobra sobra. Pero patuloy pa din akong humihiling at nagdadasal sa kanya at parang di ko na titigilan pa. 

Pero, siguro.. kahit papaano.. Masasanay din ako.. at patuloy na hihiling, magdadasal at magpapasalamat.

Oo, sobrang namimiss na kita at sobrang mahal na mahal kita at sa palagay ko, imposible na din yun mawala..

At darating ang araw na.. magtatanong muli ako.. kahit.. may 99% impossibility..

Siguro hindi mo din ito mapapansin o mababasa at baka wala akong sagot na matatanggap mula sa'yo.. basta, ito'y para sayo. 

at alam kong sa ibang makakabasa nito, iisa lang ang iisipin at sasabihin........ oo, ako yun. 

at sa huli, para sa'yo.. yun at yun pa rin.

Salamat❤

AKO.

Saturday, May 25

Tuesday, May 14


Believe in the extraordinary power of prayer.

Alam kong hindi ako bibiguin ni big boss ❤ magiging ok ang lahat, babalik sa dati at magiging normal. Pero alam kong madami pa din ang pwedeng mangyari. Magising man o hindi kinabukasan, THANK YOU GOD pa rin. Makasurvive man o hindi, THANK YOU GOD pa rin. Wala na next year o sa susunod pa, THANK YOU GOD pa rin. Maganda o pangit man ang mangyari kinabukasan, THANK YOU GOD pa rin. 😊

GOD's PLAN nga. May dahilan si big boss sa lahat ng bagay. Tanggapin ang kanyang plano at lahat ay posible. 

Magtiwala, manampalataya, maniwala at magdasal ❤ 

GISING.


TANGA KO NOH? SUMOBRA PAGIGING ATTACHED KO SAYO?

Kaya eto, SAKSAKAN NG DAMI NG DRAMA KO SA BUHAY. Hindi kita sinisisi dun...kasi nga ako nga may kasalanan e.

Kung ikaw ba.. Maghihintay ng reply ng gf mo.. pero hindi ka nya nireplyan, ni binasa hindi e.. Pero nagonline at buti pa yung ibang message binasa nya o nireplyan nya. Ano mararamdaman mo? ANG GALING NOH?

At isa pa, ALAM MO BA YUNG FEELING NA "WALA LANG" yung ginagawa mo? OK.. FINE..THANK YOU.. The end. 

SAWA KA NA BA SA GIRLFFRIEND MO? SA DRAMA NYA? OO, sagot mo?.. KUNG AYAW MO NG DRAMA, UMAYOS KA NAWA. o KAYA SABIHIN MO SA KANYA..

POTATOES AND FRIES! MASAKIT EH! Potchi pebbles. Bakit ba kasi ako ganito? NASOBRAHAN SA PAGIGING DEMNDING? Simple lang..

Sinanay kasi ako. Kaya hanggang ngayon, hindi ako makaMove on. Tapos pagnasanay ulit ng panibago.. Babaguhin na naman nya. ASTIG BA? Galing mo kasi e.

Akala mo ba ok lang yung MESSAGE MO SA UMAGA TANGHALI AT GABI?  o minsan, 2x a day o minsan, WALA PA! O yung kausapin mo yung Gf mo ng once a week o once in 2wks?. Nanadya ka ba? Sabihin mo na kasi kung AYAW MO NA SA KANYA?

AWAY? Iniiwasan ko yan kasi mahirap ulit ang gulo. DRAMA? Punung puno ako nyan. EKSENA? Ang dami kong gustong gawin na ganyan. SAPAKAN? GUSTO NGA KITA SAPAKIN EH. 

TAMPO? araw araw yan. HINDI AKO NAGOONLINE O NAGMEMESSAGE? nagpapamiss ako eh. WALA KASI AKONG NARARAMDAMANG GNUN. 

ANG SAKIT KAYA NA PARANG WALA KA NA LANG SA BUHAY NYA? oo, busy sya. Studies, work, rest, friends & projects. Sorry girl, pero WALA NG ISISINGIT pa sayo. 

WAG NG MAGREKLAMO BABAE. CHOICE KA LANG.HINDI KA MANDATORY. mabubuhay sya ng WALA KA. Kahit mawala ka pa sa buhay nya. BUO PA RIN YAN. KAHIT MAWALA KA SA MUNDO, so what? Eeh wala ka naman sa list eh. 

SANAY NA SYA NA WALANG "IKAW" kaya masanay ka na din. HINDI MO KAYA? POTATOES AND FRIES! PILITIN MO!! 

PERO KUNG DI MO KAYA.PINILI MO YAN EH. KASALANAN MO YAN. HANGGANG DAYDREAM AT PANAGINIP KA NA LANG BABAE. GET A LIFE DRAMA QUEEN. YOUR KING DOESNT CARE.

AAAAHHHHHHH. bakit ka ba kasi ganyan lalaki?! ILANG TUROK NG ANESTHESIA KUYA? ISANG GALON? Galeeng! 

GULAT KA BA?
WAG KA NA MAGULAT. Hindi lang lungkot ang laman nyan, NAIINIS PA!

TAYO PA BA?.. Bakit ko tinanong?

Hindi kasi obvious e?

ANO? iiwanan mo din ba si babae, gaya ng iba na iniwan sya? BAKIT KASI DRAMA QUEEN SYA? Kasi oa sya? o kasi SAWA KA NA? ANO BA? HINDI AKO TANGA LALAKI. ALAM KO... AYOKO LANG MAGSALITA NG SOBRA kahit sobra na kong nagsasalita ngayon. 

RANDAM KO LALAKI. ALAM KO GINAGAWA MO. Sinasadya o di mo man sinasadya ang lahat.. Hindi ako tanga.

Isa lang masasabi ko.

POTATOES AND FRIES!

Friday, May 3

Salamat


"Ito na naman, mahabang babasahin.. puro drama lang naman ang laman"

Iyan na naman siguro nasa isip mo ngayon, alam ko naman na nakakatamad magbasa di ba? Lalo na kung yung GF mo mahilig magsulat.Nakakatamad magbasa ng mga sinasabi niya, nakakasawa kasi paulit ulit.. parang SIYA mismo. Paulit ulit siya, ang dami nyang arte, ang haba haba ng sinasabi at minsan nakakatamad kausapin kasi nga puro drama lang naman ang sinasabi.

Pero may isa sana akong hiling sayo, sana kahit papaano, kahit ito lang.. mapagtiyagaang basahin at pasensyang maintindihan. ALAM MO NAMANG NAG-GF ka ng BLOGGER at MADALDAL. Ako na ang humihingi ng dispensa.

Tatanungin muna kita.. Pwede ba kitang maging kaibigan? kahit ngayon lang? Please?
May ikkwento ako sayo..

Noon, may isang babae sobrang yabang niya.. bakit? kasi ipinagmamalaki nya sa mga kaibigan niya, pinsan niya, at sa mga classmates niya na.. "HINDI PA KAMI NAG AAWAY NG BF KO, Never.. pero minsan may tampuhan pero saglit lang" tapos.. "LAGI KAMING MAGKAUSAP NUN, nagpupuyat siya para sa akin, nagspend ng time, yung kinukulit mo na siyang magpahinga pero, ayun ayaw matulog, kasi daw mamimiss niya ako agad agad" Di ba? ang yabang noh? halos alam na yata ng buong bansa kung gaano niya ipinagmamayabang yung bf nya. At halos buong bansa na din siguro ang nakakaalam kung paano sila nagsimula, kung bakit hindi sila magkasama at kung bakit hanggang ngayon matatag pa rin sila.

Almost 2 years na ang nakakalipas simula ng magsimula ang lahat, parang hindi mo aakalain.. ang bilis ng araw.. yan din kasi ang hiling nilang dalawa, ang pagbilis ng takbo ng oras.. kaya lang para sa babaeng ito,  sa bawat paglipas ng kinabukasan, hindi niya din nagugustuhan ang bilis ng takbo ng araw, dahil sa bawat paglipas nito madaming nakakalimutan, madaming hindi sana dapat mangyari. Pero sabi nga nya, "Huli na ang lahat, hindi mo na eksaktong maibabalik kung ano man ang eksaktong nangyari kahapon"

But still, she is very happy. She's smiling out from ear to ear. Lahat masaya para sa kanya, lahat sumusuporta sa kanya, lahat kinikilig sa kinukwento niya, at masaya siya dun. For her, IT IS PERFECT.

Until, one time, biglang gumuho ang mundo niya. Yung bigla ulit bumalik yung LUHA na akala niyang hindi na babalik.

Ako na ang aamin para sa kanya, kilala siya sa pagiging.. BOSSY, PRIDE LOVER and SHORT TEMPERED person. Her relationships before was NOTHING to her. She DO what she want. Wala siyang pakialam kahit na hindi sila magkita ng bf niya sa isang araw o linggo, Hinahayaan niya lang ang mga nangyayari, Hindi niya binibigyan ng time, cause she only care about herself. a SELFISH FOOL. Until one day, SIYA na mismo ang iniwan ng mga ito. wala silang naramdamang GF sa kanya, ITS JUST A GAME for her. Trial lang. Hindi siya nagseryoso. NOT TOO ATTACHED. Iniwan siya ng mga ito na walang dahilan, oo nasaktan din siya, pero parang wala lang.

Hanggang sa isang araw, nalaman niya ang dahilan ng mga taong ito kung bakit siya iniwan, bakit nakipagBreak sa kanya.. iisa ang dahilan nila.. TIME.

"Hindi kasi niya ko pinapansin, puro na lang sarili niya.."
"Mas pinili niya yung mga kaibigan niya, never pa kami nagkasama ng matagal.."

ilan lang yata yan sa mga bagay na nalaman niya, narealize niya ang mali niya, she realized..

"NEXT TIME NA MAGKAKABF AKO, ILL MAKE SURE TO GIVE TIME, ILL MAKE SURE NA HINDI AKO MAGKUKULANG SA KANYA"

That's what she promised herself. Until ito nga, ONE DAY. She met someone and fell in love. SHE FULFILLED HER PROMISE.

Ako na ulit ang aamin para sa kanya, simula noon naging MADRAMA ang babaeng ito. Kilala ko siya sa pagiging EASILY ATTACHED. lalo na sa relationships; BFFS, BF or FRIENDS. sabi nga nila OVERLY ATTACHED GIRLFRIEND. ganyan siya, Masyadong OA, masyadong DEMANDING, masyadong ASSUMING. Naging opposite kung sino siya noon. sorry ah, di ko naman sa minamasama ang ugali niya, sadya lang totoo.

Believe me or not, She loves attention. Lalo na sa mga taong malapit sa kanya. That's why, whenever THESE PEOPLE that special to her na iniignore siya, she thought its bad, somethings wrong or what.

She never let THESE PEOPLE to feel ignorance mula sa knya, SHE GIVES HELP, SHE GIVES SURPRISES, SHE GIVES EVERYTHING THAT SHE CAN para lang makita niyang masaya yung taong special dahil sa kanya.

Until that ONE DAY, she fell down so hard that she can't get up. She almost drown. She almost lost her vision to the world.

No one asked, no one knows, & no one noticed. SHE'S BROKEN.

....................

Sabi ng mga kaibigan nya sa kanya, "GIVE UP", "TAMA NA", "LET IT GO", "ENOUGH"
Sabi niya, "NO. I WONT. PAGOD NA KO, PERO AYOKO SUMUKO"
Sabi nila, "GUMISING KA PLS. HE DOESNT CARE. LOOK, HE'S JUST WAITING FOR YOU TO LET GO. SAWA NA SIYA."

"PLEASE, KAHIT NGAYON LANG, WAG MO MUNA TITIGNAN YUNG MESSAGES MO"

Sabi niya, "HE'S NOT. HINDI MAN SIYA NAGPROMISE SA AKIN, BUT HE ASSURE ME.. HE WILL DO HIS BEST.."
Sabi nila, "SANA ALAMIN MO KUNG KAILAN ILLUGAR ANG SALITANG TAMA NA.."

.......................

Ayaw niya maniwala sa kanila, SHE STILL HAVE 101% TRUST sa kanya that everything will be fine. Everything will be back to normal. LAHAT MAGIGING BAGO AT MAAYOS.

Until now, she always thought that MAYBE THEY'RE RIGHT. But some part of her brain telling her, GO ON, MERON PANG PAG ASA. MAGIGING OK ANG LAHAT.

Sa lahat ng nangyari sa kanila, since after THAT DAY, nagsunod sunod na ang lahat. Hanggang sa dumating nga ang kinatatakutan niya.. Ang araw na, "SANA HINDI UMABOT SA GANITONG PUNTO."

nagdadasal at humihiling na "SANA TOTOO ANG PANAGINIP"

.............................

Ang dami ko pa sanang gusto ikwento kaso, hindi sapat ang sulat para maintindihan nila parehas ang lahat. Hindi sapat ang letra at salita kung walang nakadaing na koneksyon mula sa dalawang taong kasangkot. ANG DAMING TANONG, ANG DAMING DAPAT LINAWIN AT KAILANGAN NA NG SAGOT AT DESISYON.

Habang tumatagal, lalong sumasakit, lalong namamanhid.
Sana dumating yung araw na MAGING MALINAW ANG LAHAT PARA SA INYO. Wag ka sanang mahiyang magsalita sa kanya ng totoo. wag kaa mahiyang magsabi ng masakit na bagay... kung iniisip mong.. MAKITID ANG UTAK ng GF mo. mag isip ka ulit. WAG MO PANGUNAHAN ANG INIISIP NIYA lalo na kung hindi mo pa sinasabi.

MAHAL NA MAHAL KA NIYA, maniwala ka sa akin. KAUSAPIN mo siya. PAKITA mo. PARAMDAM mo. YUNG TAONG YUN. YUNG TAONG GUMISING SA KANYA.

SANA MAINTINDIHAN MO, MARUNONG MAKAINTINDI NG MANDARIN ANG GF MO kahit hindi siya SANAY. naintindihan mo ba? MAGSALITA KA NG TUNAY. MAGSALITA KA NG TOTOO, NAINTIDIHAN KA NYA, Maniwala ka sa akin..

kasi ako mismo.. yung nagsasabi.


Salamat.

Thursday, April 11

Sabi ko lang.


ANG MGA BABAE at LALAKI.

(Hindi ko na kailangan pang iVideo ito, dahil marunong naman tayong magbasa (: )

Nauso ang video ng isang babae, na nagsasabi tungkol sa mga lalaki na sinundan ng sagot ng isang video pa ng isang pang babae na nagsasabi naman tungkol sa mga babae.

TAMA naman sila parehas na ang lalaki ay ganito na ang babae ay ganyan. Hindi sila pare pareho o kung anuman. Pero pare pareho tayong tao na may iba't ibang interpretasyon, perspective, paniniwala, ugali, itsura at buhay.

Pero hindi lang maintindihan kung ano ba pinupunto nila? Meron ba? Kung meron ano? Kung sino pinakamanhid? Kung sino pinakamalandi? Kung sino pinakamanloloko? Oh tapos?

Osige, sabihin na nating nagpapaliwanag sila.. pero ng ano? Kung ano ang babae at lalaki? Bakit di ka ba babae? Di ka ba lalaki? Di mo ba alam ang mga babae? Di mo ba alam ang mga lalaki?

Ito po ang tanong, REQUIREMENT bang magkaroon ng GF at BF? Mamatay ka ba pag hindi ka nanligaw? Ikamamatay mo ba kung hindi ka liligawan? Mawawalan ba ng tubig sa mundo pag di ka pinapansin ni gf/bf? Mauubos ba ang manok pag di naintindihan ng bf/gf mo yung ibig sabihin ng sinasabi mo? At iitim ba ang ngipin ng kapitbahay nyo pag NBSB o NGSB ka? :3

Baliktad o hindi, meron o wala, magkaiba o parehas o kung anuman. Tao ay tao, sila ay sila, ikaw ay ikaw, tayo ay tayo at ako ay ako. Bawat tao may kanya kanyang personality at meaning na pwedeng mabago o hindi.

Tandaan, hindi mandatory ang pag boboyfriend o pag ggirlfriend sa mga edad gaya ko, gaya mo at gaya nila ate na kakagraduate pa lang ng elementary nanghihingi na ng kiss, kaya wag masyadong intindihin o mapraning pag walang syota, wag problemahin yun.. ang problemahin mo eh kung paano aahon ang pilipinas at wag kayong atat. Kung wala eh di wala. Darating din siya in time na bibigyan tayo o sa darating na panahon at kung meron naman, wag naman maging demanding, dahil CHOICE ka lang at may kanya kanya pa rin tayong buhay, DI PA KAYO MAG ASAWA. Enjoy being single o kahit may relationship. single ka pa dn kaya enjoy lang.

Tsaka nyo na intindihin yan pag sunusuweldo na kayo xD

MAGULO BA? XD

Saturday, March 30

Masakit powzs


Kung may hihilingin man siguro ako mula sayo..

Hindi pera o kahit anong materyal na bagay pero..

ORAS at ATENSYON.

Isang minuto, isa hello.
Sapat na para sa akin.

Ang sabi mo miss mo na ko, miss na rin naman kita.. Pero kung puro "seen" ang napapala, nakakawalang gana.
Nang malamang online ka "hours ago" tapos walang naiwan kahit isang tuldok sa inbox, hindi ko alam kung dapat ba kong malungkot o pabayaan ka na lang..

Pero huwag ka ng mag alala, OK LANG naman sa akin yun. NAIINTINDIHAN ko, dapat di ko sinasabi ang mga ganito. Pero gusto ko lang iparating sayo..

"Pansinin mo ko, usap tayo, Miss na kita :("

*demanding ba? Sorry*

Immaturity strikes.


Aminin man natin o hindi, LAHAT tayo ay immature pa, nagiging immature at hindi nawawalan ng immaturity.

Yung akala natin, alam at naintindihan na natin ang lahat ng problema, hindi magandang pangyayari at kung ano pang simpleng bagay na komplikadong nagaganap sa buhay... pero ang totoo, AKALA lang nating yun.

Sabi nila, ang pag iyak, pag reklamo, pag demand, pag assume, pag tampo at pag aaway dahil sa maliit na bagay. Ang pag sasawa, pag tigil, pagiging makasarili at pagiging sensitive sa mga simpleng dahilan ay nagiging sanhi ng pagiging immature..

Sa totoo lang, KAYA naman nating baguhin ang mga nagiging dahilan sa likod nito, pero ang tunay na totoo, sa buhay natin, hindi natin ito kayang pigilan.

*sabi nga nila, WALANG THRILL ang RELATIONSHIP kung WALANG IMMATURITY kahit konti*

Parang dati, sisiw lang ang lahat.. Ngayon, ostrich na :3


Parang kailan lang.. ang (x² - 8x + 24)(x² + 2x - 6) ay dating 1+1 at ang pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis ay dating dog lang. Hindi mo lubos na maisip na ang bilis talaga ng panahon.

Parang dati, petiks lang tayo sa HS, tulog dito, tulog dyan tapos pagdating ng last quarter, TOP 1 pa. Eh ngayon? kahit wala ka na ngang tulog at subsob ka na sa pagreview para sa exma, tapos pagdating FINALS, isang nagpipilantik na 5.0 ang matatanggap mo.

Ang mga bata noon, kahit gaano pa katirik ang araw tuwing tanghali, walang nakakapigil sa kanila sa paglalaro ng taguan, tumbang preso, piko atbp. Eh ngayon, ni kahit siguro umulan ng yelo sa Pilipinas, hindi mo na mapapalabas ang bata sa labas ng bahay para makipagtaguan, dahil kahit hindi sila lumalabas ng kwarto, nakikipagtaguan na sila sa counter strike.

Parang tayo noon, dati nag uusap na walang alinlangan. Paggising pa lang sa umaga, mukha mo na agad ang nakikita sa madaling paraan. Maraming panahon, araw at oras, parang hindi nauubos. mapa-FB, twitter, skype, HTV o TC. Andun tayo, walang tigil na kwentuhan. Walang masyadong pinagkakaabalahan, walang masyadong iniisip basta masayang nagkkwentuhan sa kung anu anong bagay hanggang sa abutin ng ilang oras na parang wala lang.

Masaya talaga ang pakikipagkaibigan ko sayo noon, BARAHAN dito, BARAHAN doon. Sweet ng konti, Bitter ng konti. Joke dito, asar doon. Ang saya! parang wala lang ang lahat kahit anong mangyari. KASI NGA MAGKAIBIGAN TAYO.

Hanggang sa dumating ang panahon na para tayong walkie talkie, hindi gagana ang isa ng wala ang isa. Yung tipong hindi talaga mapipigilan yung pagkakaroon ng kasabikan, hindi mabubuhay ng isang araw, pag hindi nakakausap o nakakpagmessage. GINAGAWA ANG LAHAT NG PARAAN para makapag usap. makikipag usap ng 24/7, umaga tanghali at gabi hanggang madaling araw. NAKAKAMISS. Gaya rin noon, walang nagbago, masayang kwentuhan, walang masyadong inaalala, walang alangan. BARA DITO BARA DOON. Ang sarap balikan.
 
Pero sabi nga nila, TIME FLIES. madaming nagbabago, madaming namimiss at madami ang hindi na din kayang ibalik. OLD TIMES,  VERY GOOD OLD TIMES. Siguro nga dapat na din natin malaman na LAHAT NAGBABAGO except sa salitang PAGBABAGO.

Araw araw, naalala ko ang mga pangyayaring ang sarap balik balikan, parang yung tipong kung pwede lang HATAKIN na lang bigla para bumalik kaso hindi naman ganun kadali yun. Kaya tama nga na, LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST. Live like there's no tomorrow kasi hindi mo na kayang ulitin yung eksaktong nangyari kahapon.

Masyado ata akong umasa na magiging stable tayo noon. Yung yun na lang, palaging masaya at makulit. Hindi ko din kasi inaasahan na ganito. well, EXPECT THE UNEXPECTED. Wala naman dapat sisihin, dahil ganito talaga ang REALITY.

Isa na lang siguro ang dapat gawin, mag-ADJUST, UMINTINDI at TANGGAPIN. Siguro nga hanggang ala ala na lang ang mga yun. Hindi na maibabalik pa..

Mga ala alang naging paraan para mas makilala pa kita, mga ala ala na kailanman ay hindi malilimutan at ang mga ala ala kung saan nagsimula ang lahat ♥

Thursday, March 28

May masabi lang.


Ang bawat tao ay bngyan 24hrs sa isang araw para gawin ang lahat ng kaya nyang gawin.

Naintindihan naman siguro natin na minsan, may nakakalimutan tayo dahil sobrang busy tayo sa ilang bagay, o nakakalimutan natin o PAGOD.

Pero minsan ba naisip natin na yung 24hrs na yun.. Walang natitira o walang interval sa pagging busy? O nagkakaroon din naman tayo ng free time, di ba?

Di mo ba naiisip na may mga tao din na humihingi ng kahit isang minuto, isang hi, at konting atensyon mula sayo?

OO, busy ka, pagod ka at may bukas pa. Marami pang bukas. Pero di mo ba naiisip na.. Nasa tabi mo pa din ba sila bukas?

Kaya LIVE THE LIFE TO THE FULLEST. Live like there's no tomorrow. Always remember & recognize those people who always stay on your side cuz di mo alam kung hanggang kailan sila nandyan sa tabi mo.

Have a blessed maundy thursday.

Too much drama, sucks!


Minsan, may advantage ang pagiging dramatic. Yung napupukaw mo yung atensyon nya na i-comfort ka at lambingin ka o minsan, naayos nyo yung problema nyo dahil naglalabas ka ng sama ng loob.

Pero minsan, hindi nila nararamdaman yung gusto mo ipahiwatig. Akala nila, nagddrama ka at ginagawa mo lang ang drama para sa walang kwentang atensyon o para gumawa ng eksena..

pero ang totoo, gusto mo lang gawin yun para ipahiwatig na..

"Miss na kita, usap naman tayo? Please?"

Sunday, March 24

Tunay at totoo.


One day, nakilala kita.. sabi mo, "hi" sagot ko, "hello"

naging magkaibigan tayo, naging close friends, naging crush mo ko, naging crush dn kita, na in love ako, umamin ako at umamin ka din, niligawan mo ko, at naging tayo..

kung iisipin mo, simple lang ang love story natin pero ang hindi alam ng nakakarami..

na nasa komplikado tayong sitwasyon, pero kahit ganun, daig pa dn natin ang iba.. MAS sweet, MAS matatag, MAS mahirap pero MAS masaya..

Tayo at ang iba pa ay hindi gustong malagay sa ganitong sitwasyon, pero kung malalaman lang nila na kahit gaano ka man kalayo sa akin, mas higit pa dun ang pagmamahal ko ♥

tunay at totoo.

Thursday, March 7

TIPS para sa kaayusan (s3L0z)


  • Alamin kung ano ang TAMA at MALI.
  • Dapat tayong lumagay sa tamang lugar.
  • Alamin ang limitasyon mo.
  • Huwag gawing makitid ang utak.
  • Huwag mong kakausapin ang taong mainit ang dugo sayo pero dipende ito kung gaano kainit lol
  • Pag tahimik ang lalaki, nakakaramdam yan ng selos. mag ingat.
  • Iwasang hamunin ang babaeng may sobrang selosa sa balat.
  • Huwag masyadong lalapit sa mga babae o lalaking TAKEN.
  • Kung makikipag usap sa TAKEN. Iwasan ang pagiging SWEET dahil hindi makakatulong.
  • Hindi masamang makipagkaibigan sa mga TAKEN, basta ALAMIN MO LIMITASYON MO.
  • Hindi masamang makipagkaibigan kahit kanino babae man o lalaki, basta wag mo pababayaan ang partner mo. Lol
  • At huli..
  1. Para sa mga babaeng taken, WAG MAKITID UTAK, intindihin ang bawat pangyayari, alamin ang dapat at hindi dapat.
  2. Para sa mga lalaking taken, isa ka pa! WAG PAKA-IMMATURE, alam mong hindi dapat pero gngwa mo.
  3. Para sa lalaki o babaeng single na lumalapit o kaibigan ni taken, UMAYOS KA! Kahit alam mong hindi mali ang gngwa mo, basta lumagpas ka limitation line nila. Lagot ka! xD
  • At para sa lahat, UMAYOS TAYONG LAHAT. sundin ang ilan dito para sa ikabubuti ng bawat isa at upang maiwasan ang WORLD WAR.

PS: maswerte ka kung may makasalamuha kang taong marunong mkaintindi ng salitang SELOS with tama o mali version.

Nyahahaha. Brutal.
A friendly reminder by yours truly

Monday, February 25

Tignan mo sila..


Tignan mo sila..

Ang saya saya, nagtatawanan, magkaholding hands, magkayakap at sobrang sweet.. eh TAYO? andito.. nag aaway, di magkaintindihan, magkagalit, minsan hindi pa nagpapansinan..

pero alam mo, kahit minsan lang tayo nagiging masaya ng magkasama at madalas hindi nagkakaintindihan.. masasabi kong..

AKO pa rin ang pinakamaswerteng tao sa mundo, dahil nakilala kita, nakakasama kita, naging parte ka ng buhay ko kahit palaging di maganda ang nangyayari sa ating dalawa..

masuwerte at masaya ako dahil.. andito ka pa rin, nanatili, minamahal ako, binibigyan ng mahabang pasensya, hindi ako iniiwan at kasama kong lumalaban sa mga problemang hamon ng panahon ♥

Kaya.. Sana kahit anong mangyari.. hindi ka bumitaw.. alam kong KAYA NATIN ITO. Mahal kita ♥

Tulad ng ibang babae..


Tulad ng ibang babae..

SELOSA ka din gaya nila, yung konting kibot niya lang sa ibang babae, iinit na agad ang dugo mo.

Oo, kaibigan niya sila.. at pati IKAW.. iba lang ang level mo..

Pero kahit ganon, dapat mo pa ring tandaan na nagseselos din siya gaya mo. Kaya, sana kahit anong mangyari wag mong kalimutang "Magkaibigan" lang din kayo, kaya wag sagaran ang init ng dugo mo dahil parehas lang kayo nagseselos at gumagawa ng ikaseselos ng bawat isa.

Tuesday, February 19

Alam mo yung sobrang gaan sa pakiramdam..


Alam mo yung sobrang gaan sa pakiramdam..

..na may taong minamahal ka ng lubos, kahit na malayo kayo sa isa't isa at kahit kailan di pa nagkikita sa personal..
at yung umabot na kayo ng mahigit sa isang taon sa isang relasyon, nagkaroon ng marami happy moments kahit sa magkaharap lang sa webcam at magkausap sa phone, nalagpasan ang lahat ng pagsubok sa loob ng mahigit taon, naging komportable sa isa't isa at malaki ang tiwala niya na kayo na talaga hanggang sa huli..

Ang sarap kaya sa pakiramdam na may taong magsasabing..

"Hindi kita pakakawalan, ayaw kitang mawala sa buhay ko" ♥

Promises doesn't mean "you MUST fulfill something" or "meant to be broken" .. but it means that you just have to PROVE that your words are true :)