Dapat!

Sunday, December 15

Dapat!


Hindi ko naman sinasadya ang nangyari, nagkataon lang talagang sa kanya pa ko magkagusto.

Ok lang naman sana, kaso hindi pwede. Naintindihan ko ang sitwasyon, nararamdaman ko ang kinalalagyan at alam ko kung ano ang kailangang gawin.

Naging sarado ang utak ko sa mga posibilidad at hindi maganda ang kinalabasan, kaya dahil dun natutunan ko ng humarap sa mga posibilidad at tanggapin kung ano ang dapat. Maganda man o hindi.

Hindi naman ako nagkamali sa pagdesisyon dahil ang kahit sino ay sang-ayon. Masakit pero DAPAT.

Hindi ako umaasa, hindi ako naghihintay at lalong hindi ako humihiling na maging sa kanya. Kung ano ang hangin ng panahon para sa amin, yun lang ang maaring akuin.

May mga bagay akong naiayos sa utak ko na kung sakali man maging maayos ang lahat sa kanilang dalawa, dapat tanggapin. Kung sakaling kailangan ko na talagang lumayo dahil sa mga posibilidad na hindi magandang mangyayari, dapat lumayo. At kung kailangan ng iwanan ang nararamdaman para sa ikabubuti naming lahat, dapat iwanan.

Darating naman ang panahon na pagbibigyan kami kung para talaga sa amin, palagi ko ngang nababanggit, Maybe soon is too long but the road will never run out of opportunities at dadagdagan ko ng “..except when the traffic light goes red”

Masakit pero dapat tanggapin.

0 comments :